Alexa Ilacad sa mga babaeng ayaw magkaanak: ‘Wag magpa-pressure
HINDI pa nakikita ng Kapamilya actress na si Alexa Ilacad ang sarili na mabubuntis at magkakaanak in the near future.
Naniniwala si Alexa na sa panahon ngayon ay hindi na dapat nagpapa-pressure ang mga kakabaihan sa pagkakaroon ng baby, lalo na kung talagang ayaw nilang mabuntis.
Bida si Alexa sa pelikulang “Mujigae“, ang unang project ng Unitel Pictures makalipas ang ilang taong pamamahinga sa pagpo-produce.
Sa nasabing pelikula, maraming realizations si Alexa, lalo na sa pagiging magulang. Dito niya napatunayan na hindi basta-basta ang magkaanak sa panahon ngayon.
Baka Bet Mo: Alexa rumesbak sa nagsabing ‘Ang ganda mo pero may off sa katawan mo’
Natanong ang dalaga sa presscon ng “Mujigae” kamakailan kung ano ang masasabi niya sa mga babaeng mas pinili ang huwag magka-baby.
View this post on Instagram
“I get it! I totally get it. And that’s okay. I think now, we’re more open to living our lives the way we want to live without fear of judgment from other people.
“You don’t have to pressure yourself to do a certain thing because it’s what society wants from you. It’s you who will suffer in the end,” sey pa niya.
Sa pelikulang “Mujigae”, gagampanan ni Alexa ang karakter ni Sunny, na nagdadalawang-isip alagaan ang kanyang pamangkin na si Mujigae, na isang half-Filipino, half-Korean to be played naman by “Mini Miss U” ng “It’s Showtime” na si Ryrie Sophia.
Tulad ng ibang kababaihan, ayaw ding magkaanak ni Sunny pero mapipilitan siyang alagaan ang pamangkin dahil sa mga mangyayaring plot twist sa kuwento.
Sabi ni Alexa sa panayam ni Bianca Gonzalez para sa TFC show na “BRGY”, “Motherhood is tough work. Iyon ‘yung na-realize ko while having to take care of the child (sa movie).
“Props to my mother… to every mother out there, this is hard work and it’s a commitment. Love is a choose every day and mom chooses to love their kids to death every day,” aniya.
Tungkol naman sa pinaka-challenging na bahagi ng pagganap niya bilang Sunny, “Honestly, saying goodbye. I had such a hard time during the ride home na kailangan kong kumawala kay Sunny kasi I really enjoyed playing her character.
“And I was so proud of her character development to the point na nainggit ako. Gusto ko rin ganito, for me as Alexa,” sey ng aktres.
View this post on Instagram
Samantala, nag-share rin si Alexa ng naging experience niya working with South Korean Oppa na si Kim Ji-soo sa “Mujigae.”
“When I saw Ji-soo for the first time, he’s so tall. I think he is 6 (feet) something and I am so small so kapag tinitingnan ko siya nakatingala ako talaga and I didn’t know if he spoke English, so I was afraid that there was gonna be a language barrier, something like that,” saad ng dalaga.
Paglalarawan pa niya sa Korean actor noong magsimula silang mag-workshop, “He look really serious, like game face on. Tapos isinalang agad kami sa isang scene, parang workshop so I have to break the ice.
“But he’s very nice. And slowly but surely, day by day, he started opening to everyone, nakikipagbiruan na siya sa lahat,” sabi pa ni Alexa.
Showing na ang “Mujigae” sa mga SM Cinema nationwide simula sa October 9. Ito’y mula sa direksyon ni Randolph Longjas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.