Korean Oppa Kim Ji-soo na-in love na nang bongga sa Pinas

Korean Oppa Kim Ji-soo na-in love na sa Pinas; mas relax na kay Jillian

Ervin Santiago - September 25, 2024 - 07:00 AM

Korean Oppa Kim Ji-soo na-in love na sa Pinas; mas relax kay Jillian

Jillian Ward at Kim Ji-soo

DEDMA na ang mga Pinoy fans ng South Korean actor na si Kim Ji-soo sa mga kontrobersiyang kinasangkutan nito nitong mga nagdaang taon.

Love na love na ngayon ng mga Filipino supporters si Ji-soo dahil sa magagandang traits nito hindi lang bilang artista kundi bilang isang tao.

Sunud-sunod ang acting projects ng Kapuso Oppa matapos pumirma bilang bagong talent ng GMA Sparkle. At in fairness, Pinoy na Pinoy na rin ang kanyang puso dahil napamahal na sa kanya ang Pilipinas.

Matatandaan na una siyang napanood sa GMA Network action drama series na “Black Rider” kung saan marami ang bumilib sa kanyang pagganap bilang si Adrian Park.

Baka Bet Mo: Liza Soberano kabog ang first TV guesting sa South Korea

Naging Red Carpet Scene Stealer Awardee rin siya sa GMA Gala 2024 at malapit na ring ipalabas ang kanyang kauna-unahang Filipino movie na “Mujigae” kasama sina Rufa Mae Quinto, Alexa Ilacad, Lito Pimentel, at marami pang iba.

Hindi lang sa TV at pelikula makikita si Kim Ji-Soo dahil kamakailan lamang ay inilabas na ang ilang episode ng kaniyang YouTube vlog na “Jisoo Road” at naging active rin siya sa TikTok para mas lalo pang mapalapit sa kanyang fans.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jisoo Kim (@actor_jisoo)


Dahil sa init ng suporta ng fans sa Kapuso Oppa ay ipinagpapatuloy niya ang kanyang career sa bansa sa kabila ng mga isyung hinarap niya simula pa noong 2021.

Paglilinaw ng South Korean actor, nakausap at nakipag-ayos na siya sa mga taong involved sa school violence issue habang wala namang katotohanan ang alegasyong sexual assault.

Nananatiling focused at determinado si Kim Ji-Soo sa kanyang career at nagpapasalamat siya sa kanyang fans.

Aniya, “I am truly grateful for the opportunities I’ve had here. The support from my Filipino fans has been overwhelming, and there is so much more I want to accomplish.”

Kinakikiligan din ngayon ang tambalan nila ng Kapuso actress na si Jillian Ward nang mapabilang siya sa top-rating GMA Afternoon Prime series na “Abot-Kamay Na Pangarap” bilang si Doc Kim Young.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kamakailan ay ibinahagi ng Korean actor na mas relax at kumportable na siya sa set sa tulong na rin ni Jillian.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending