‘Secret Ingredient’ ni Julia with 2 Asian actors may official trailer na
NAGLABAS muli ng patikim ang K-Drama na pinagbibidahan ni Julia Barretto kasama ang Korean star na si Sang Heon Lee at Indonesian actor na si Nicholas Saputra!
Nilabas na kasi ngayong araw, April 15, ang official trailer para sa “Secret Ingredient” na kauna-unahang collaboration ng Viu Philippines, Unilever Nutrition SEA at Indonesia.
Nako, lalo kayong masasabik na abangan ang serye dahil tila ipinakita na kung saan iikot ang istorya nito.
Sa pasilip, mapapanood na planong sumali ni Maya, ang role ni Julia, sa isang cooking competition upang mabayaran ang utang sa medical bills ng ina.
Ngunit sa kasamaang palad ay hindi siya pinayagan ng kanyang head chef na si Arif na pinagbibidahan ni Nicholas dahil hindi pa raw ito handa sa ganoong level ng pagluluto.
Baka Bet Mo: Gerald sa muling pagkikita, pagbebeso nina Julia at Bea: ‘Time heals’
Pero tila to the rescue naman si Ha joon na ginagampanan ni Heon Lee na tinulungan si Maya na mag-practice at mag-qualify ang kanyang skills sa kompetisyon.
Kapansin-pansin din sa trailer na tila may namumuong love triangle sa pagitan ng tatlong karakter.
Dito rin natin nalaman na may tinatagong sikreto si Ha Joon kay Maya na kung saan ay isa pala siyang mayaman at mukhang may kinalaman siya kung paano nakapasok sa cooking competition si Maya.
Bandang huli ay nalaman din ito ni Julia at siya ay nagalit kay Ha Joon.
Ang tanong, may chance pa kaya ang Korean chef na mapalapit muli ang loob sa kanya ni Maya?
‘Yan ang dapat abangan sa mismong K-Drama na ipapalabas na sa darating na April 30.
Ang good news pa, libre lang itong mapapanood sa Viu!
Kung matatandaan, noong January nang unang inanunsyo ang upcoming K-Drama series ni Julia.
Hindi lang tungkol sa love story ang kwento ng “Secret Ingredient,” dahil itatampok din diyan ang pagkain ng iba’t-ibang kultura.
Ang “Secret Ingredient” ang unang regional drama na mapapanood sa Viu sa darating na Abril base sa pahayag ni Mr. Derek Wong, Viu Originals for Southeast Asia, Middle East and Africa region.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.