Gerald sa muling pagkikita nina Julia at Bea: ‘Time heals’

Gerald sa muling pagkikita, pagbebeso nina Julia at Bea: ‘Time heals’

Pauline del Rosario |April 14,2024
facebook
share this

Gerald sa muling pagkikita, pagbebeso nina Julia at Bea: ‘Time heals’

Pauline del Rosario - April 14, 2024 - 09:26 AM

Gerald sa muling pagkikita, pagbebeso nina Julia at Bea: ‘Time heals’

Gerald Anderson, Julia Barretto, Bea Alonzo

“GANUN talaga, time heals…”

‘Yan ang simpleng sagot ng aktor na si Gerald Anderson matapos siyang hingan ng reaksyon ng ABS-CBN News kaugnay sa pagkikita kamakailan lang ng kanyang dyowa na si Julia Barretto at ex-girlfriend na si Bea Alonzo.

Magugunita noong Marso nang magkrus ang landas ng dalawang aktres sa naganap na surprise tribute party para sa starmaker na si Johnny Manahan o mas kilala sa tawag na Mr. M.

Kumalat sa social media ang ilang litrato at videos nina Julia at Bea na nagbesohan nang magkita.

Bukod diyan, spotted din silang nagchichikahan at nagtatawanan –kabaligtaran sa inaasahan ng mga Marites na magdededmahan o magpapaistaran.

Baka Bet Mo: Dennis naniniwalang hindi igo-ghost ni Gerald si Julia; gusto na ng apo

Anyway, mukhang naging okay na ang tatlo at tuluyang nang naka-move on mula sa kinasangkutan nilang kontrobersya.

Sey ni Gerald sa interview, “Ganun talaga, time heals and basta moving forward lahat.”

Kung maaalala, si Julia ang itinuturong dahilan ng paghihiwalay nina Bea at Gerald.

At dahil marami ang nagalit, plus ‘yung kapansin-pansin na pagla-like ni Bea sa online reports sa pag-amin ng aktor sa relasyon kay Julia ay nakapagsalita ng maaanghang ang huli.

“I believe Gerald has already made it clear that a third party was not the cause of their breakup. I would like to disassociate myself from the breakup of Bea and Gerald,” saad sa bahagi ng post noon ni Julia.

Pahayag pa niya, “Bea, you wanted to keep your hands clean by not mentioning me in your controversial post, but with a click of your finger, in your sly way, you have charged everybody to destroy me for you.”

“You can play the victim all you want, but I refuse to be your victim,” ang palaban pa niyang sinabi against Bea.

Dahil sa mga nangyari, ang akala ng lahat ay naging mortal enemies na ang dalawang aktres.

Pero dahil sa mga nakita natin recently, mukhang nakapag-move on na nga ang lahat at nagkapatawaran na.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi lang malinaw kung may kinalaman si Mr. M sa pagbabati ng past and present ni Gerald.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending