Dennis naniniwalang hindi igo-ghost ni Gerald si Julia

Dennis naniniwalang hindi igo-ghost ni Gerald si Julia; gusto na ng apo

Ervin Santiago |February 29,2024
facebook
share this

Dennis naniniwalang hindi igo-ghost ni Gerald si Julia; gusto na ng apo

Ervin Santiago - February 29, 2024 - 12:10 AM

Dennis naniniwalang hindi igo-ghost ni Gerald si Julia; gusto na ng apo

Dennis Padilla, Gerald Anderson at Julia Barretto

FEELING naman ng veteran comedian na si Dennis Padilla ay never igo-ghost ni Gerald Anderson ang anak niyang si Julia Barretto.

Naniniwala ang komedyante, base na rin sa mga nababalitaan niyang relasyon ng celebrity couple, na hindi magagawa ng hunk actor sa kanyang anak ang umano’y panggo-ghosting nito noon sa ex-girlfriend na si Bea Alonzo.

“Hindi mo pwede siyang i-generalize. Hindi porket nagawa mo noong una, magagawa mo ng pangalawa. Hindi naman. Ano ‘yan, eh, case to case basis,” ang paliwanag ni Dennis sa panayam ng ilang members ng press.

Baka Bet Mo: Dennis Padilla nagbabala kay Gerald Anderson: Papaalala ko lang sa’yo na ‘yang girlfriend mo, anak ko yan

Mukhang in love na in love naman daw sina Julia at Gerald sa isa’t isa kaya “unbothered” father ang drama niya at nakikita rin niya kung paano alagaan ng aktor ang panganay na anak nila ni Marjorie Barretto.

“After all these years, napatunayan niya na mahal niya ang anak ko at saka nakikita ko naman na talagang mahal niya ang anak ko kaya okay sa akin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Pagkatapos ng maraming kontrobersiya na ‘yan, mahal niya pa rin ang anak ko,” sey pa ni Dennis.

Para sa kanya, mas okay kung hindi na muna magpapakasal sina Julia at Gerald pero parang gusto na raw niyang magkaroon ng apo sa kanyang anak.

Baka Bet Mo: Dennis kay Gerald: Mas maipakikita mong mahal mo si Julia kung irerespeto mo ‘yung tatay niya

Nauna nang ibinalita ni Dennis na after ilang years ay binati uli siya ni Julia noong birthday niya at umaasa siya na magkakaayos din sila ng dalawa pa niyang anak kay Marjorie na si Claudia at Leon.

Samantala, feeling thankful naman ang veteran actor dahil sunud-sunod ang projects niya ngayon.

Bukod sa action-sitcom na “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2” sa GMA ay meron din siyang mga pelikula.

Natapos na niya ang romcom movie na “When Magic Hurts” na pinagbibidahan ng mga Kapamilya youngstars na sina Beaver Magtalas, Mutya Orquia at Maxine Trinidad na malapit nang ipalabas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama rin siya sa comeback project ni Sen. Robin Padilla na “Bad Boy 3” na ibang-iba raw sa tema ng unang dalawang franchise ng naturang action film.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending