Bea 'tsinugi' ang IG contents kasama si Dominic

Bea ‘tsinugi’ ang IG contents kasama si Dominic, pero naka-follow pa rin

Pauline del Rosario |April 13,2024
facebook
share this

Bea ‘tsinugi’ ang IG contents kasama si Dominic, pero naka-follow pa rin

Pauline del Rosario - April 13, 2024 - 02:47 PM

Bea 'tsinugi' ang IG contents kasama si Dominic, pero naka-follow pa rin

Bea Alonzo, Dominic Roque

PINAGBUBURA na ng award-winning actress na si Bea Alonzo ang lahat ng Instagram posts kasama ang ex-fiancé na si Dominic Roque.

Kabilang na riyan ang kanilang sweet photos together, pati na rin ang ilang travel videos nilang dalawa.

Wala na rin sa nasabing account ang official statement ni Bea na kinukumpirma ang paghihiwalay nilang dalawa.

Ang tanong tuloy namin, ito na kaya ang sagot ni Bea sa mga kumakalat na chika kung nagkabalikan na ang dalawa?

Ngunit sa kabila niyan, nananatili pa rin namang naka-follow sa IG ang isa’t-isa nang chineck namin ito.

Baka Bet Mo: Xian Gaza tutol sa pag-iibigan nina Bea at Dom: Ang nakikita ko ay mag-ate

Bea 'tsinugi' ang IG contents kasama si Dominic, pero naka-follow pa rin

Ano sa tingin niyo, mga ka-BANDERA readers? Hiwalay pa rin kaya sila o may chance pang matuloy ang kanilang kasal?

Well, silang dalawa lang naman ni Dom at Bea ang makakapag-confirm niyan kaya sana ay magkaroon na ulit sila ng update at bukas ang BANDERA para sa kanilang pahayag ukol diyan.

Samantala, recently lamang ay maraming netizens ang naniniwalang nagkaayos na ang dating couple, lalo na ‘nung mag-viral ang selfie video ni Dom na kuha sa isang event.

Mapapanood sa viral post na hawak ng aktor sa kabilang kamay ang isang cellphone na makikitang wallpaper niya ang aktres kasama ang kanyang alagang aso.

Magugunita noong February 11, inanunsyo ng dating couple ang kanilang breakup matapos kumalat ang mga tsismis patungkol sa sekswalidad at social status ni Dom.

“Some even confirmed our break-up without our consent, and some created ridiculous stories that had no basis and were utterly false, so we felt the need to share this announcement with great sadness, for our peace of mind and our families,” saad sa joint statement ng dalawa na ibinandera sa Instagram.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung maaalala, bago ang announcement nina Bea at Dom ay nauna na itong kinumpirma ni Boy Abunda sa kanyang programang “Fast Talk.” 

Taong 2021 nang ibunyag ng dating celebrity couple ang kanilang real score, then after two years ay ang kanilang wedding engagement.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending