Dominic spotted na wallpaper sa phone si Bea, nagkabalikan na?

Dominic spotted na wallpaper sa phone si Bea, nagkabalikan na?

Pauline del Rosario |April 13,2024
facebook
share this

Dominic spotted na wallpaper sa phone si Bea, nagkabalikan na?

Pauline del Rosario - April 13, 2024 - 09:31 AM

Dominic spotted na wallpaper sa phone si Bea, nagkabalikan na?

Dominic Roque, Bea Alonzo

MARAMI ang naniniwala na nagkabalikan na ang engaged couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Ito ay matapos kumalat sa social media ang litrato ni Dominic na spotted sa kanyang phone ang wallpaper ng dating fiancée.

Sa post ng Facebook user na si Bonal Robel, makikita ang aktor sa isang event na kumukuha ng selfie video kasama ang audience.

Hawak ni Dom sa kabilang kamay ang isang cellphone na biglang umilaw ang lockscreen at makikita ang litrato ng aktres kasama ang kanyang alagang aso.

Baka Bet Mo: Bea suot uli ang engagement ring, nakipagbalikan na kay Dominic?

Sa comment section, maraming netizens ang natutuwa sa kanilang nakita at naniniwala na maayos na ulit ang dalawa.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“So ayun na nga matutulog akong masaya [happy face with heart eyes emoji]”

“Sabi na eh!”

“Yes tagal na ‘yan sila balikan po.”

“Private but not a secret aweeeee [happy face with heart eyes emoji]”

“Sana all wina-wallpaper [happy face with heart eyes emoji] kilig

Maliban pa riyan, usap-usapan din ang recent Instagram post ni Dominic na kabilang ang picture ng fur baby ni Bea na nakahiga sa couch.

Dahil diyan, mas tumindi ang tsismis na mukhang naging okay na ulit ang dalawa. 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Magugunita noong February 11,  inanunsyo ng dating couple ang kanilang breakup matapos kumalat ang mga tsismis patungkol sa sekswalidad at social status ni Dom.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Some even confirmed our break-up without our consent, and some created ridiculous stories that had no basis and were utterly false, so we felt the need to share this announcement with great sadness, for our peace of mind and our families,” saad sa joint statement ng dalawa na ibinandera sa Instagram.

Kung maaalala, bago ang announcement nina Bea at Dom ay nauna na itong kinumpirma ni Boy Abunda sa kanyang programang “Fast Talk.” 

Taong 2021 nang ibunyag ng dating celebrity couple ang kanilang real score, then after two years ay ang kanilang wedding engagement.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending