Dominic natutulog pa rin sa bahay ni Bea, nagkabalikan na?

Dominic buking na natutulog pa rin sa bahay ni Bea, nagkabalikan na?

Ervin Santiago |March 03,2024
facebook
share this

Dominic buking na natutulog pa rin sa bahay ni Bea, nagkabalikan na?

Ervin Santiago - March 03, 2024 - 12:21 PM

Dominic buking na natutulog pa rin sa bahay ni Bea, nagkabalikan na?

Bea Alonzo at Dominic Roque

ABANGERS ngayon ang mga Marites all over the universe kung true ang chikang nagkaayos at nagkabalikan na raw sina Bea Alonzo at Dominic Roque.

May balita kasi na nagkita at nagkausap muli ang ex-celebrity couple kasabay ang mga kuwentong palagi umanong nasa bahay ng Kapuso actress ang dating aktor nitong mga nakaraang araw.

Napag-usapan ang tungkol sa development na ito about Bea and Dominic sa nakaraang episode ng “Showbiz Update” YouTube channel ng talent manager na si Ogie Diaz.

Baka Bet Mo: McCoy, Elisse nagbalikan bago magkapandemya; may 4 ‘magic word’ para sa LDR

Sey ni Papa O, “Mayroong nagsabi sa akin. Ewan ko kung totoo ‘to, ha. Importante sa kanila natin marinig, kina Bea at Dominic.

“Kung totoo na bago mag-Singapore si Bea kasama ang family niya, doon pa natulog sa kanila si Dominic,” pahayag ni Ogie.

“Hindi ko naman alam kung saang bahagi ng bahay ni Bea natulog si Dominic.

“Pero ‘yong malinaw sa akin na ikinuwento, ewan ko lang kung totoo rin, ha. Importante marinig natin sa kanila,  after ng Singapore naman ay nagkita ulit sila. Pumunta ulit doon si Dominic at nakatulog daw sa salas, sa sofa,” dagdag pa niyang rebelasyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Reaksyon naman ng co-host niyang si Mama Loi, “So, malamang, Nay, magkabati na nga talaga sila. Makakatulog ka ba naman sa bahay ng ibang tao kung hindi kayo ayos?”

May nagchika rin daw kay Ogie na palagi ring nakikita ng mga kapitbahay ni Bea ang kotse ni Dominic sa labas ng house nito.

Baka Bet Mo: Jennica, Alwyn sabay tinanong kung nagkabalikan na…pero magkaiba ang sagot

Bukod dito, kumalat din ang kuwento na narinig daw sa isang Zoom meeting ni Dominic ang boses ni Bea, na ang ibig sabihin, nagkakasama pa rin ang dating magdyowa kahit naghiwalay na.

In fairness, marami ang nagdarasal na sana’y totoo ngang nagbalikan na sina Dominic at Bea para matuloy na rin ang napurnada nilang engagement and wedding.

Kamakailan, naibalita natin ang pahayag ng isang feng shui expert tungkol sa breakup at cancellation ng engagement nina Bea (Fire Rabbit) at Dominic (Metal Horse).

Sabi ng feng shui consultant at traditional Chinese medicine practitioner na si Jean Yu Chua, “In feng shui kasi, we always deal with the time dimension, like kung kelan ba nangyari yung breakup nila, at the same time may mga calendar cut-off so depende kung saan siya nag-fall.

“If ever (nangyari ang breakup) in January, 2024, it would be considered as 2023 pa rin, the Year of the Rabbit. In the Year of the Rabbit talagang maraming mga problems, issues that arose in the relationship energy.

“‘Di siya ganu’n ka-strong. But if nag-fall sila sa February, in the Wood Dragon Year already, I think it’s more na on about the communication issues kaya nagkaroon ng ganu’ng breakups,” sabi pa ng feng shui consultant.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May second chance pa kaya ang BeaDom sa Year of the Dragon? “There can be a good chance or opportunity to have a good relationship as long as maganda yung communication energy nila.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending