Bea suot uli ang engagement ring, nakipagbalikan kay Dominic?

Bea suot uli ang engagement ring, nakipagbalikan na kay Dominic?

Ervin Santiago |March 13,2024
facebook
share this

Bea suot uli ang engagement ring, nakipagbalikan na kay Dominic?

Ervin Santiago - March 13, 2024 - 12:05 AM

Bea suot uli ang engagement ring, nakipagbalikan na nga ba kay Dominic?

Dominic Roque at Bea Alonzo

IN FAIRNESS, marami pa rin ang “hopia” (hoping) na magkakabalikan sina Bea Alonzo at Dominic Roque matapos silang magkahiwalay at ikansel ang kanilang engagement.

Bigla ngang nabuhayan ang fans ng ex-couple nang biglang mag-viral sa social media ang litrato ng Kapuso actress na suot daw uli ang kanyang engagement ring.

Kaya naman ang tanong ng netizens, totoo nga kayang nagkabalikan na sina Bea at Dominic at tuloy na rin ba ang kanilang naunsiyaming kasal?

Sa Instagram page kasi ni Bea ay makikita ang isang video slideshow kung saan makikikita ang mga litrato ni Bea na kuha sa pictorial ng ineendorso niyang skincare brand.

Baka Bet Mo: Trina Legaspi 1 week nang walang tulog mula nang isilang si Baby Kaela: ‘Parang nag-slow mo nu’ng narinig ko na ang iyak niya’

At kasunod nga nito, bumaha ng comments sa IG post ni Bea at halos lahat ay natutuwa at super na-excite dahil feeling nila ay nagkaayos at nagkabalikan na ang celebrity couple.

“Wow suot na makakatulog na ko ng mahimbing.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


“OMG! Sino nakapansin dito, ‘yung ring?”

“Sana nga nagbalikan na. Sayang kasi ang kanilang pagmamahalan. Feeling ko sila talaga ang tinadhana.”

“Love them. Hoping for the best. They still love each other. I can feel them.”

Baka Bet Mo: Bea, Dominic plano sanang isikreto muna ang kanilang engagement: ‘Gusto naming may kinakikiligan na kaming dalawa lang’

Pero may mga netizens na naglabas ng resibo na old video na raw ang kumalat sa socmed kung saan mahaba pa rito ang hair ni Bea.

Meaning throwback video na raw ito. Kinunan daw ito noong magdyowa pa sina Bea at Dominic

May ilang fans naman ni Bea ang nag-post ng isa pang video kung saan short hair na si Bea at suot na uli ang engagement ring nila ni Dom.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ibinandera nina Bea at Dominic noong July, 2023, ang kanilang engagement. In fact pinaplano na nila ang kanilang kasal na nakatakda sanang mangyari ngayong taon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending