Xian Gaza sa engagement nila ng dyowa: Win-win, walang talo!

Xian Gaza sa engagement nila ng dyowang Thai: Win-win, walang talo!

Reggee Bonoan |February 19,2024
facebook
share this

Xian Gaza sa engagement nila ng dyowang Thai: Win-win, walang talo!

Reggee Bonoan - February 19, 2024 - 05:17 PM

Xian Gaza sa engagement nila ng dyowang Thai: Win-win, walang talo!

Xian Gaza at Kumpuy TH

NAG-VIRAL ang ginawang marriage proposal ng Pambansang Marites ng Pilipinas na si Christian “Xian” Gaza sa kanyang Thai girlfriend na si Kumpuy TH.

Naganap ang kanilang engagement sa Singapore na ang backround ay ang Marina Bay Sands Hotel.

Isa rin sa dahilan kaya nag-viral ito ay dahil inutang niya ang ipinambili ng engagement ring kay Boss Toyo, ang kilalang YouTuber at may-ari ng Pinoy Pawn star sa halagang P100,000.

Anyway, narito ang paliwanag ni Xian kung bakit nagdesisyon na siyang mag-propose.

Baka Bet Mo: Xian Gaza dinipensahan ang contestant na pinayuhan ni Maine: Stop bashing that nanay from Eat Bulaga

“The marriage proposal was not impulsive but more on selfish. Not emotional but more on rational.

“90% ng hinahanap ko sa isang asawa ay taglay niya. If paglalaruan ko pa ‘to at hindi seseryosohin, baka it will take me another 10 years para makahanap ng isang katulad niya,” panimulang paliwanag ni Xian.


“Maraming babae ang may mabuting kalooban tapos maganda ang ugali’t pagkatao pero pangit. Bihira lang yung very beautiful inside and out.

“If simpleng pag-settle down sa isang maayos na relasyon ay hindi ko pa magawa at the age of 31, then how can I pursue bigger things in life? Baka 35 na ko’t lahat eh panay pambababae pa rin ang inaatupag ko. Waste of time.

Baka Bet Mo: Korina sa interview niya kay Bongbong Marcos: His team chose the time and date

“If papalit-palit pa rin ako ng jowa while my 2 children are growing up, baka mawalan sila ng respeto sa akin at maapektuhan yung mindset nila towards building relationships,” saad pa ng social media personality.

Dugtong pa niya, “May divorce ang Thailand. Just in case things went south for us, parehas kaming may exit.

“My fiancee is a Thai citizen, if she owns 51% of my company, then we can buy landed properties in Thailand. Magkakaroon ng full power yung mga kumpanya ko dahil lokal ang majority shareholder.

“Marami ding tax exemptions. If ever ma-divorce kami, lahat ng assets ay split 50-50. Win win. Walang talo.

“This engagement with Kumpuy.TH is a big decision na pinag-isipan kong mabuti. It will benefit both of us. Mahal namin ang isa’t isa and I just hope that we can build our own empire together. Nawa’y tumanda kami ng sabay at mapuno ng kaligayahan ang aming pagsasama,” sabi pa ni Xian Gaza.

Nabanggit din nito na dahil sa kanya ay nakalabas ng ibang bansa ang fiancée niya dahil hindi pa raw ito nakakapag-abroad.

Post ni Xian sa kanyang Facebook account, “Before kami nagkakilala, never pa siya nakalabas ng Thailand. Sabi ko nu’ng naging kami na, eh, apply siya agad ng passport at ipapakita ko sa kanya kung gaano kaganda ang mundo.

“Sa loob ng dalawang buwan ay nadala ko na siya sa pitong bansa. 7 territories in 2 months time. More to come. Malaki-laki na rin ang nagastos ko pero ‘yung happy memories namin together in different countries ay walang katumbas na halaga. Super worth it,” ang pagmamalaki pa ni Xian.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya ang payo pa nito sa mga magkakarelasyon para hindi sila ma-bore sa isa’t isa, “Sana makapag-travel din kayo ng jowa/asawa mo sa maraming bansa. Very healthy ito para sa inyong relasyon. Mababawasan yung mga away away niyo. Hindi ka toxic, wala ka lang travel.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending