Korina sa interview niya kay Bongbong Marcos: His team chose the time and date
AGAD na nag-viral ang mga larawan ni Korina Sanchez kasama ang presidential aspirant na si Bongbong Marcos.
Marami kasi ang kumuwestyon sa dating senador dahil sa hindi nito pagdalo sa nagdaang Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas (KBP) presidential forum na ginanap nitong February 4 habang present ang iba pang tumatakbo sa pagkapangulo na sina Vice President Leni Robredo, Senator Manny Pacquiao, Senator Panfilo Lacson Manila City Mayor Isko Moreno, at Leody de Guzman.
Ayon kasi sa inilabas na statement ng kampo ni Bongbong, hindi nila mapapaunlakan ang imbitasyon ng KBP dahil sa kanyang schedule.
Kaya naman nang i-post ni Korina ang mga larawan nila habang nagsyu-shoot ng interview sa kanyang Instagram ay agad itong dinumog ng mga netizens.
“Finally, the last of the 5 presidentiables interviewed for our Presidentiables Special on #RatedKorina this weekend, Bongbong Marcos.
“The TV version will be much shorter. So manage your expectations. We couldn’t get more time. So you must watch the complete unedited version in the Rated Korina YouTube Channel on Monday,” saad ni Korina sa caption.
View this post on Instagram
Agad namang nilinaw ng broadcaster na ang kampo ni Bongbong ang nagdesisyon sa araw ng kanilang interview.
“To be clear: When we invited BBM, it was his team who chose the time and date,” giit ni Korina.
“We had no choice,” dagdag pa niya.
May mga nag-akala kasi may sey si Korina sa naganap na schedule ng kanilang interview kaya naman agad itong nilinaw ng broadcaster.
Anyway, mapaonood ang “Upuan sa Katotohanan” tampok ang mga presidential aspirants sa “Rated Korina” bukas, February 6 sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel.
Mapapanood rin ito sa Linggo sa OnePH.
Related Chika:
Korina: Iniiwasan ko na yung nega, wala akong opinyon sa politika, wala akong winawakwak
Swimsuit photo ni Korina na may caption tungkol sa COVID-19 binatikos: Wala sa lugar, sobrang off
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.