Korina: Iniiwasan ko na yung nega, wala akong opinyon sa politika, wala akong winawakwak
“PARANG wala akong bashers ngayon,” ang masayang pahayag ng broadcast journalist at TV host na si Korina Sanchez tungkol sa kanyang buhay-social media.
Napansin ni Korina na wala nang masyadong nang-ookray at nambabastos sa kanya sa socmed ngayon hindi tulad noong mga nakaraang taon na mula umaga hanggang gabi ay puro kanegahan ang nababasa niya.
Talagang walang-tigil ang pamba-bash sa kanya ng mga haters noon lalo na nu’ng kasagsagan ng issue sa pagpapasara sa ABS-CBN last year.
At dahil nga sa wala ring patumanggang pagpatol niya sa mga negatron sa socmed ay binansagan pa siyang “Clapback Queen” at “Bruha Slasher”.
“I’m very, very active in social media. Aktibo ako talaga diyan. Kabuhayan na rin siya,” ang simulang chika ni Korina sa panayam sa kanya ng TV-radio host at entertainment columnist na si Tita Cristy Fermin sa multi-platform program nitong “Cristy Ferminute”.
“Pero napansin ko lang kasi parang wala nang politika sa buhay ko ngayon. Parang wala akong bashers ngayon.
“Pero nagulat din ako kasisa social media platforms ko, talagang iniiwasan ko yung nega. Wala akong opinyon tungkol sa politika, wala akong winawakwak, wala akong pinupuna. Puro positive lang ako,” paliwanag pa ni Korina.
Aniya pa, “Tsaka kahit hinahamon ako, hindi ko pinapansin kasi maganda ang hanapbuhay, tsaka masaya ang araw-araw ko kung wala akong kasagutan. So, ako man, it’s my choice to stay in my lane.”
Paliwanag pa ni Korina, talagang mapagpatol siya noon sa bashers at troll lalo na nu’ng mainit na mainit pa ang usapin tungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN.
“Ang nangyari lang nu’ng panahon ng pagsasara ng ABS-CBN, parang feeling ko naman utang na loob ko rin naman sa aking mother station.
“Noong parang walang kuwenta naman ang pambubuska nila sa akin, only because I loved my station, dun na ako sumagot.
“Kaya ako nagkaroon ng title na Clapback Queen dahil sinasagot ko isa-isa yung mga nagba-bash. Pero du’n lang naman sa isyung ‘yon na sumasagot ako,” paliwanag pa niya.
Pero sey ng TV host-news anchor, ikinasiya rin niya ang pagiging Patola Queen nu’ng mga panahong yun, “Ay, naku! Enjoy na enjoy din naman akong pumatol. Para akong nabuhayan ”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.