Aktor matuloy pa kaya ang planong marriage proposal sa dyowa?

Aktor matuloy pa kaya ang planong marriage proposal sa long time dyowa?

Reggee Bonoan |November 28,2023
facebook
share this

Aktor matuloy pa kaya ang planong marriage proposal sa long time dyowa?

Reggee Bonoan - November 28, 2023 - 03:58 PM

Blind item

MATUTULOY pa kaya ang planong pagbili ng engagement ring ng aktor para sa plano nitong marriage proposal sa kanyang long time time girlfriend?

Kaya namin ito naitanong ay dahil may problema ngayon ang magkasintahan at inaayos naman daw nila ito pati na rin ng mga taong nasa paligid nila.

Matagal na palang pinagi-ipunan ng aktor ang pangarap na engagement ring ng long time girlfriend niya at medyo pricey ito na puwedeng ikumpara ang presyo nito sa malaking bahay sa isang mamahaling subdibisyon.

Biru-biruan lang naman kasi ang pangarap na engagement ring ng long time girlfriend na sinadyang iyon ang piliin para hindi ito bilhin ng aktor pero tumatak ito sa binata kaya nag-ipon kaso nagkaroon ng problema kaya nabawasan ang ipon.

Baka Bet Mo: Tropa ni Andrea Brillantes na si Bea Borres balak sampahan ng kaso si Ricci Rivero dahil sa isyu ng ‘kabit’?

At dahil malapit nang magtapat si aktor sa kanyang long time girlfriend at kulang ang pambili ay nagsabi ito sa kaibigang aktor din at hindi naman siya nagdalawang salita.

Kaso ilang linggo bago bilhin ni aktor ang engagement ring ay nagka-problema sila ng long time girlfriend kaya hayun tulaley ang binata at lahat na yata ng mga kaibigan ng dyowa ay kinausap para magka-ayos sila.

Ayon sa aming source ay maraming pag-uusap ang nagaganap at kailangang makipag-compromise ang aktor dahil sa kanya raw ang problema bagay nap ag-iisipang mabuti nito kung sasang-ayon siya sa gusto ng kasintahan o babu na ang singsing.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending