Sef Cadayona muling nag-propose sa non-showbiz GF bitbit ang tunay na engagement ring: 'Kabang-kaba ako!' | Bandera

Sef Cadayona muling nag-propose sa non-showbiz GF bitbit ang tunay na engagement ring: ‘Kabang-kaba ako!’

Ervin Santiago |August 31,2023
facebook
share this

Sef Cadayona muling nag-propose sa non-showbiz GF bitbit ang tunay na engagement ring: ‘Kabang-kaba ako!’

Ervin Santiago - August 31, 2023 - 12:03 PM

Sef Cadayona muling nag-propose sa non-showbiz GF bitbit ang tunay na engagement ring: 'Kabang-kaba ako!'

Sef Cadayona at Nelan Vivero

CONFIRMED! Engaged na nga ang Kapuso actor-dancer na si Sef Cadayona sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Nelan Vivero.

Ibinandera ni Sef kagabi, August 30, ang super good news sa kanyang fans at social media followers sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.

Nagbahagi ang komedyante ng ilang mga litrato na kuha sa ginawa niyang simple ngunit punumpuno ng pusong marriage proposal kay Nelan.

Kung matatandaan, Valentine’s Day (February 14 2023) nang unang mag-propose ang Kapuso star sa kanyang girlfriend. Ginawa niya ito kahit wala pa siyang nabiling engagement ring.

Sey ni Sef, bigla na lang daw niyang naisipan na yayaing magpakasal si Nelan habang hawak ang isang papel na singsing.

Sa puntong yun, naalala pa raw niya ang hit song ni Taylor Swift na “Paper Rings”, partikular na ang mga lyrics nitong, “I like shiny things, but I’d marry you with paper rings.”

“Hindi ako makapaniwala na nakuha ko ang matamis mong OO!

“Biruin mo.. sa hindi inaasahang pangyayari nag propose ako gamit ang gawa kong papel na singsing.

“May iba doon eh.. lahat tama parang lahat ng nararamdaman ko eh inuudyok nako itanong sayo kung pwede ba kitang makasama habang buhay.

“Kahit hindi magarbo o engrande.. umoo ka.

“Napaka swerte at saya ko nung gabing yun…” ang simulang bahagi ng caption ni Sef sa kanyang IG post.

Baka Bet Mo: Edgar Allan pangarap makatrabaho ang dyowang si Shaira; pinatunayan kung gaano kabait si Alden

At nitong nagdaang August 13, nagtungo siya sa bahay nina Nelan para muling mag-propose dala ang totoong engagement ring.

Mensahe ng Kapuso comedian, “Kabang kaba ako! Panay memorya ng linya na sasabihin ko pag nasa harap na kita.

“Pumunta sa bahay niyo para magpaalam sa magulang mo… masabi ko sa kanila na masaya tayo at gusto ko sana ganun tayo hanggang sa tumanda na tayong dalawa. Na magkasama.

“Mapalad ako na pumayag sila! Humingi ako ng tulong kay Ate A paano diskarte sa pag dating mo.

“Kaya pag pasok mo sa bahay niyo.. nakahintay nako… Para itanong ulit sayo ‘Will you marry me?’

“Mahal kita, Nelan! My Lemoine
(laughing with tears emoji) wag moko papuntahin sa malayo,” ang pahayag pa ni Sef.

Bumuhos naman ang pagbati sa engagement nina Sef at Nelan kabilang na riyan ang mga celebrities na sina Mikael Daez, Marian Rivera, Ryan Agoncillo, Iza Calzado, Rodjun Cruz, Valeen Montenegro, Ruby Rodriguez, Archie Alemania at marami pang iba.

Sef Cadayona sa 25 years ng Bubble Gang: Napakaswerte namin, napakalaking blessing!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sef Cadayona umaming naging two-timer: ‘It was a mistake and I’m very sorry for it’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending