Edgar Allan pangarap makatrabaho ang dyowang si Shaira; pinatunayan kung gaano kabait si Alden
MANANATILING Kapuso ang actor-dancer at singer na si Edgar Allan Guzman matapos siyang mag-renew ng kontrata sa GMA Network kamakailan lamang.
Mahigit apat na taon na si EA sa GMA 7 at nakagawa na ng maraming teleserye at iba pang TV show kaya naman abot-langit ang pasasalamat niya sa patuloy na pagtitiwala sa kanya ng management.
Ayon kay EA, mas lalo pa niyang pagbubutihin ang bawat proyektong ibibigay sa kanya ng Sparkle GMA Artist Center para hindi siya mapahiya sa lahat ng bossing ng network.
Sa panayam ng GMA Network, sinabi ng binata na ngayon pa lang ay looking forward na siya sa mga challenging roles na ipagkakatiwala sa kanya ng management sa darating na 2023.
View this post on Instagram
Chika pa ng binata, sana raw ay mabigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho at makatambal sa next project niya ang kanyang longtime girlfriend na si Shaira Diaz.
“Siyempre gusto ko ring makatrabaho si Baba (tawag niya kay Shaira) sa isang teleserye. Gusto ko romcom kasi ‘yun talaga ang personality naming dalawa (sa totoong buhay).
“Kahit offcam kami ni Baba, biruan, makulit kami. Hindi kami lumalagay sa, alam mo ‘yun, kapag naramdaman namin na seryoso kami, bini-break namin ‘yun.
“Nagpapatawa kami, nagpapatawa ako. Romcom at saka siguro ‘yung mala-action,” ani EA.
Nabanggit din ng aktor na bukod kay Shaira ay pangarap din niyang makasama sa isang project ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.
Pinatunayan ni EA na napakabait at totoong tao ang Kapuso Drama Prince, “I think masarap din siyang kaeksena sa isang madramang project, challenging.”
Sa ngayon ay napapanood pa rin si EA bilang Miro sa “Nakarehas Na Puso”, Lunes hanggang Biyernes, 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
EA Guzman sa relasyon nila ni Shaira Diaz: Ready na ako to settle down pero…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.