Sef Cadayona umaming naging two-timer: 'It was a mistake and I’m very sorry for it' | Bandera

Sef Cadayona umaming naging two-timer: ‘It was a mistake and I’m very sorry for it’

Ervin Santiago - July 19, 2023 - 01:31 PM

Sef Cadayona umaming naging two-timer: 'It was a mistake and I’m very sorry for it'

Sef Cadayona

MATAPANG na inamin ng Kapuso actor-dancer na si Sef Cadayona na may pagkakataong pinagsabay niya ang dalawang babae noong  kabataan niya.

Rebelasyon ni Sef, naranasan na rin niyang makipag-date nang sabay ilang taon na ngayon ang nakararaan at aminado siyang hindi maganda ang kinahinatnan nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sef Cadayona (@sefcadayona)


Alam din daw niyang mali ang kanyang ginawa at pinagsisihan na niya ito kasabay ng pangakong hinding-hindi na niya ito uulitin pa.

“I have to admit, meron (akong pinagsabay). It was a mistake and I’m very sorry for it,” ang pahayag ni Sef sa episode kahapon ng “Fast Talk with Boy Abunda” sa GMA 7.

Nang tanungin ni Tito Boy si Sef kung ano ang natutunan ng Kapuso star sa nagawang pagkakamali, “To never, ever do it again.”

Baka Bet Mo: Sef, Mikee na-pressure sa pagganap bilang Bitoy at Manilyn sa ‘Pepito Manaloto’ prequel

“Lalo na sa mga lalaki, guys, don’t do it. It’s not nice, and the aftermath, it’s not nice,” ang paalala pa ni Sef sa mga kalalakihan.

Ibinahagi rin ng komedyante na maligaya na siya ngayon sa piling ng kanyang non-showbiz girlfriend. Nagtatrabaho raw ito ngayon sa corporate world.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sef Cadayona (@sefcadayona)


Inamin din ni Sef na magka-live in na sila ng kanyang dyowa, at so far, maayos at maganda naman ang kanilang relasyon.

“Feeling ko I’m very fortunate na nakilala ko partner ko. She has been my rock.

“Two years na kaming live-in partners. It’s been very fun,” sabi pa ng aktor.

Samantala, kahit nawala sa bagong version ng longest-running gag show sa bansa, ang “Bubble Gang”, ay may mga bagong projects naman si Sef sa GMA 7.

Isa na riyan ang upcoming Kapuso movie na “Love Before Sunrise” na pinagbibidahan nina Bea Alonzo at Dennis Trillo. Ito’y isang collaboration ng GMA Network at Viu Philippines.

Sef Cadayona sa 25 years ng Bubble Gang: Napakaswerte namin, napakalaking blessing!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Edgar Allan pangarap makatrabaho ang dyowang si Shaira; pinatunayan kung gaano kabait si Alden

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending