Xian Gaza engaged na, umutang ng P100k pambili ng singsing

Xian Gaza engaged na, umutang ng P100k kay Boss Toyo pambili ng singsing

Ervin Santiago |February 19,2024
facebook
share this

Xian Gaza engaged na, umutang ng P100k kay Boss Toyo pambili ng singsing

Ervin Santiago - February 19, 2024 - 08:18 AM

Xian Gaza engaged na, umutang ng P100k kay Boss Toyo pambili ng singsing

Xian Gaza at ang kanyang fiancee

IBINANDERA ng kontrobersyal na social media personality na si Xian Gaza sa buong universe na engaged na sila ng kanyang partner.

Ibinalita ni Xian sa publiko sa pamamagitan ng Facebook na nag-propose na siya sa kanyang girlfriend na hindi niya pinangalanan.

Sa nasabing FB post makikita ang binata na nakaluhod habang isinusuot ang singsing sa isang girl na nakasuot ng white dress.

Base sa mga litratong ipinost ni Xian, naganap ang marriage proposal at engagement nila sa Marina Bay Sands sa Singapore.

Baka Bet Mo: Kumikinang-kinang na singsing ni Julia Montes pinagdiskitahan ng netizens: ‘Engagement ring na yarn?’

Ang nakasaad sa caption ng kanyang post, “Kung palagi na lang akong matatakot sa mga nangyayaring hiwalayan eh ‘di hindi ko na mararanasan ang tunay na kaligayahan.”


Bukod dito, nagbahagi rin si Xian ng video na kuha sa ginawa niyang proposal na may caption na, “I thought marriage is just a paper, ’til I met you.”

Samantala, rebelasyon pa ng socmed personality, nangutang muna siya ng pera para mabili ang napili niyang engagement ring na ibibigay sa kanyang partner.

“Hindi ako liquid ngayon kaya umutang ako ng PHP100,000 kay Boss Toyo pambili ng singsing,” aniya na ang tinutukoy ay ang rapper-content creator na bumibili ng mga gamit ng kilalang personalidad at celebrities.

Baka Bet Mo: Bakit hindi suot ni Chito ang wedding ring niya, para maka-chicks pa?

Pag-amin pa ni Xian, “Kahit naghihirap na ko at walang pera eh gagawan ko ng paraan kasi naniniwala ako na walang babae ang may deserve ng 299 ring mula sa Shopee.”

Malamang ang tinutukoy niya ay ang viral social media post kung saan nagreklamo ang isang babaeng nakatanggap ng mumurahing engagement ring mula sa kanyang boyfriend.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kung hindi ko kayang diskartihan ang isang decent engagement ring, paano pa kaya yung kinabukasan naming dalawa at ng magiging anak namin?” ang huling hirit ni Xian Gaza.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending