Kumikinang-kinang na singsing ni Julia Montes pinagdiskitahan ng netizens: 'Engagement ring na yarn?' | Bandera

Kumikinang-kinang na singsing ni Julia Montes pinagdiskitahan ng netizens: ‘Engagement ring na yarn?’

Ervin Santiago |October 19,2022
facebook
share this

Kumikinang-kinang na singsing ni Julia Montes pinagdiskitahan ng netizens: ‘Engagement ring na yarn?’

Ervin Santiago - October 19, 2022 - 01:50 PM

Kumikinang-kinang na singsing ni Julia Montes pinagdiskitahan ng netizens: 'Engagement ring na yarn?'

Julia Montes

USAP-USAPAN na naman ngayon ng mga Marites ang suot na singsing ng Kapamilya actress at rumored partner ni Coco Martin na si Julia Montes.

Kalat na ang mga litrato ng aktres kung saan agaw-eksena nga ang kumikinang-kinang na diamond sa singsing na nakasuot sa kanyang ring finger (nasa kaliwang kamay).

In fairness, kung sa mga nakaraan niyang litrato ay parang itinatago pa ni Julia ang suot na singsing, ngayon ay lantaran na niya itong ipinakikita sa publiko.

Kaya naman ang nagkakaisang tanong ng mga netizens, “Engagement ring ba yarn?” Kasunod ng mga komento tungkol sa relasyon nila ni Coco na sinasabing matagal nang karelasyon ng aktres.

Actually, hindi ito ang unang pagkakataon na nakunan si Julia na suot ang pinaniniwalaang engagement ring na ibinigay umano sa kanya ni Coco. Pero dati nga ay tila itinatago pa niya ito sa kanyang mga pictorial.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia Montes (@montesjulia08)


Ngunit ngayon nga ay parang very open na siyang ipakita ito sa madlang pipol. Komento nga ng mga netizens, kumportable na siyang makunan suot ang kanyang diamond ring.

Tulad na lang ng mga litratong ipinost ng kaibigan ni Julia na si Dimples Romana sa Instagram kung saan kasama rin nila si Kathryn Bernardo. Naging close ang tatlo nang gawin nila ang teleseryeng “Mara Clara” noong 2010.

Nag-reunion sila sa isang Japanese restaurant sa Quezon City at dito nga nakunan ng video si Julia habang kumakain ng Japanese dishes.

At dito nga napansin ng mga netizens ang suot niyang diamond ring.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita sina Julia at Coco tungkol sa tunay na eatado ng kanilang relasyon pati na ang tungkol sa pagkakaroon na umano nila ng anak. Pero marami ang naniniwala na matagal na silang nagsasama bilang partners in life.

Julia Montes, Coco Martin ikinasal na nga ba?

Julia Montes sa bahay na ni Coco Martin nakatira?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dimples kay Julia Montes: Kilig na kilig yarn?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending