Dimples kay Julia Montes: Kilig na kilig yarn? | Bandera

Dimples kay Julia Montes: Kilig na kilig yarn?

Therese Arceo |September 22,2021
facebook
share this

Dimples kay Julia Montes: Kilig na kilig yarn?

Therese Arceo - September 22, 2021 - 07:06 PM

JULIA MONTES

GOOD VIBES ang dala ng Instagram post ng aktres na si Dimples Romana ang screenshot photo nila ng kapwa artista at kaibigang si Julia Montes habang magka-video call.

Tila inaasar naman ng aktres ang kaibigan sa caption nitong “Kilig na kilig yaaaarrrn @montesjulia08 Pag ganito naman talaga ang kausap mo everyday talaga namang GAGANDA lalo araw mo eh! Diba mga bebe Co? I mean ko.”

Dinagsa naman kaagad ang post ng aktres at tila may hula ang mga netizens kung sino ay “tunay” na nagpapakilig kay Julia

“Gets Co po. Ay, gets ko po pala,” comment ng isang netizen.

“You mean Coco Martin??? Ms Dimps,” sey naman ng isang netizen.

“Gets po namin, “COCO” po ang gusto nyong tubukin,” hirit naman ng isa pa.

Matagal nang usap-usapan na may relasyon ang Kapamilya stars na sina Coco Martin at Julia Montes ngunit hanggang ngayon ay nananatiling tahimik ang dalawa at walang inilalabas na kumpirmasyon kung ano ba talaga ang estado ng relasyon nila.

Kamakailan rin nang muling magbalik teleserye ang aktres kung saan kasama niya ang rumored boyfriend na si Coco Martin sa “FPJ’s Ang Probinsyano” kung saan gumaganap ito bilang si Mara.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending