Julia Montes, Coco Martin ikinasal na nga ba? | Bandera

Julia Montes, Coco Martin ikinasal na nga ba?

Therese Arceo |June 10,2022
facebook
share this

Julia Montes, Coco Martin ikinasal na nga ba?

Therese Arceo - June 10, 2022 - 03:03 PM

Julia Montes, Coco Martin ikinasal na nga ba?

USAP-USAPAN ngayon ang “Ang Probinsyano” stars na sina Julia Montes at Coco Martin dahil may balitang kumakalat kung kasal na nga ba ang dalawa dahil sa pagkakahawig ng singsing na suot-suot nila.

Isa nga ito sa mga napag-usapan nina Ogie Diaz, Mama Loi, Tita Jegs, Dyosa Pockoh, at Mrena sa kanilang episode ng “Showbiz Update” na in-upload ngayong araw, June 10.

Ani Mama Loi, may nag-send raw sa kanya
na screenshot mula sa eksena ni Julia sa “Ang Probinsyano” na kapansin-pansin ang suot nitong singsing at itinatanong kung totoo nga ba ang chika na kasal na sina Coco at Julia.

May pagkakahawig kasi ang suot na singsing ng aktres sa naunang kumalat na larawan ni Coco noong dumalaw siya sa burol ng namayapang Queen of Philippine Movies na si Susan Roces.

“Tinatanong niya ako kung kasal na ba tong si Coco Martin at si Julia Montes,” pagbabahagi ni Mama Loi.

Napa-react naman si Tita Jegs at sinabing hindi pa raw siya nakaka-move on ukol sa matagal nang isyu na may anak na ang dalawa at daragdagan pa raw ng balitang kasal na ang dalawang celebrity.

Dagdag pa ni Mama Loi, marahil daw ay nag-aantay lang ng timang timing ang dalawa upang ipaliwanag kung ano nga ba ang meron sa kanilang singsing.

“Hayaan natin sila kung gusto nilang humanap ng timing para mag-comment tungkol doon sa singsing. Kasi malay naman natin, props lang pala sa ‘Ang Probinsyano’ yung singsing na ‘yun,” pagpapatuloy ni Mama Loi.

Sey naman ni Ogie, “Ang paniniwala ko dyan, ibigay natin sa kanila ang kanilang privacy dahil sabi nga ni Coco noong araw, ‘yung nagaganap sa loob ng pamamahay niya ay kanya lang. Hindi na niya para i-share pa ito sa mga tao.”

“Kung may mga chikang ganyan, hayaan natin silang sumagot kung totoo man yan. At the end of the day, hindi naman tayo ang magdadala nyan. Hindi rin naman tayo ang bumubuhay sa kanila. Sila naman yan. Nakiki-Marites lang tayo kaya ibigay natin yan kay Coco kung totoo man na siya ay may anak na o sila ni Julia ay may anak na. Kung totoo man na sila’y kasal na,” dagdag pa niya.

Bukas naman ang Bandera para sa panig nina Coco Martin at Julia Montes ukol sa isyung kumakalat.

Related Chika:
Julia Montes sa bahay na ni Coco Martin nakatira?

Dimples kay Julia Montes: Kilig na kilig yarn?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Julia Montes miss na miss na ng fans kaya may ‘paramdam’ sa ABS-CBN

Bakit hindi suot ni Chito ang wedding ring niya, para maka-chicks pa?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending