Bakit hindi suot ni Chito ang wedding ring niya, para maka-chicks pa? | Bandera

Bakit hindi suot ni Chito ang wedding ring niya, para maka-chicks pa?

Ervin Santiago |May 16,2021
facebook
share this

Bakit hindi suot ni Chito ang wedding ring niya, para maka-chicks pa?

Ervin Santiago - May 16, 2021 - 05:20 PM

NAGPALIWANAG nang bonggang-bongga ang actress-businesswoman na si Neri Naig kung bakit hindi na nila suot ni Chito Miranda ang kanilang wedding ring.

Bago pa nga naman sila maintriga at matsismis na mag-asawa ay inunahan na ni Neri ang mga taong posibleng gumawa ng issue nang dahil lang sa hindi nila pagsusuot ng singsing.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, nilinaw nga ng misis ni Chito ang istorya sa likod ng kanilang wedding ring.

“Bakit hindi suot ni Chito ang wedding ring niya? Ayaw niya bang suotin? Para maka-chicks pa?” simulang pahayag ni Neri.

“Ako rin po, hindi ko na sinusuot ang wedding ring ko parang more than five years na ata. Why? Hindi na siya kasya!” aniya pa. Hindi na raw niya ito nasuot mula nang magbuntis sa kanyang anak na si Miggy.

“Lumaki talaga ako simula nung nagbuntis ako. Gustuhin ko man, ayaw kong maging purple ang daliri ko. Haha!

“Kaya kung mapapansin nyo, engagement ring lang palagi ang nasusuot ko kase maluwag sya bago kami ikasal, ngayon tamang tama na lang, saklaaap! Hehe!

“Pero hindi ko rin nasusuot palagi ang engagement ring kase natatakot akong mawala,” sey pa ng misis ni Chito.

Samantala, hindi na rin daw sinusuot ng Parokya ni Edgar frontman ang  Chito Miranda na ang singsing dahil lagi nitong nakakalimutan sa lababo tuwing maghuhugas ng kamay.

“Si Chito, nagtry naman talaga siyang suotin. Kaso palagi niyang naiiwan sa lababo kapag maghuhugas ng kamay kahit saan magpunta.

“May diamante sa loob yun, sayaaaaang! Baka pwede pa magamit ni Miggy kapag ikakasal na siya (tagal pa yun!),” sabi pa ng aktres.

“Kaya sabi ko wag na nyang suotin at baka mawala pa. Hindi naman ako sensitive kung may singsing siyang suot. Aba’y alam naman ng lahat na kasal kami at may pamilya na rin.

“Ang singsing ay simbolo ng commitment. Pero mas gugustuhin ko namang committed siya sa amin, responsible asawa at tatay, kaysa naman suot nga singsing, nakakalimutan pa rin ang ipinangakong commitment sa akin at sa aming pamilya.

“Aanhin mo naman ang singsing kung pinapaiyak ka naman araw araw? Tandaan, wala ‘yan sa singsing, nasa tao ‘yan,” paliwanag pa niya.

Nagbiro naman si Neri na naiinis siya dahil kasya pa rin kay Chito ang  wedding ring nila samantalang yung sa kanya ay hindi na, “And yes, kasya pa rin ang wedding ring niya. Ayun ang unfair!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ipinagbubuntis ngayon ni Neri ang pangalawang anak nila ni Chito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending