Alexa rumesbak sa nagsabing ‘Ang ganda mo pero may off sa katawan mo’
NAKIPAGBARDAGULAN ang Kapamilya actress na si Alexa Ilacad sa isang laiterang netizen na pumuna sa kanyang itsura at katawan.
Ibinahagi ng dalaga sa Instagram ang screenshot ng sagutan nila ng isang body-shamer sa social media pero nang i-check namin ito ay burado na ang mga komento ng netizen sa kanyang social media account.
Pambabarag ng basher kay Alexa, “Ang ganda mo pero may something talaga sa katawan mo na mejo off.”
Baka Bet Mo: Alexa Ilacad, KD Estrada goodbye na rin sa PBB 10; Madam Inutz, Brenda Mage pasok sa top 5
Hindi ito pinalampas ng Kapamilya star at talagang pinatulan ang netizen, “2024 na pero hindi ka parin aware na our bodies come in different shapes, sizes, and proportions? I’d suggest you to hit the books before making comments that are very… ‘off.'”
Hindi naman nagpasindak ang basher sa aktres at rumesbak uli. Dapat daw ay huwag nang mag-aartista ang dalaga kung hindi nito kayang tanggapin ang mga kritisismo sa kanya.
View this post on Instagram
“2024 na pero mukhang ang gusto mo lang na comment ay yung hindi ‘off’ para sayo? Dapat hindi ka nag artista if you can’t stomach the truth,” sabi ng netizen.
Banat naman sa kanya ni Alexa, “What a dumb argument. Me being a celebrity doesn’t give you a free pass to be rude.”
Baka Bet Mo: Alexa Ilacad sa tunay na relasyon nila ni KD Estrada: Sa totoo lang pwede na nga, eh, pero…
Dagdag pa niya “Last time I checked, ang trabaho ko po bilang artista ay umarte, kumanta,sumayaw minsan, at magpasaya ng tao. (Which i love doing).
“Buuut it isn’t part of my job description to tolerate rude comments like this. Constructive criticism- I accept with an open heart, but this? Nah. Such a toxic mindset,” sey pa niya.
Matatandaang ipinagtanggol pa noon si Alexa ng ka-loveteam niyang si KD Estrada laban sa isa ring body-shamer na nagkomento ng, “Gasul ka ghorl @alexailaxad.”
Resbak ni KD sa basher, “Kapal ng mukha neto ganda ka?”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.