Alexa Ilacad, KD Estrada goodbye na rin sa PBB 10; Madam Inutz, Brenda Mage pasok sa top 5 | Bandera

Alexa Ilacad, KD Estrada goodbye na rin sa PBB 10; Madam Inutz, Brenda Mage pasok sa top 5

Ervin Santiago |December 27,2021
facebook
share this

Alexa Ilacad, KD Estrada goodbye na rin sa PBB 10; Madam Inutz, Brenda Mage pasok sa top 5

Ervin Santiago - December 27, 2021 - 05:45 PM

KD Estrada at Alexa Ilacad

HINDI na umubra ang powers nina Alexa Ilacad at KD Estrada bilang mga celebrity housemates sa “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10.”

Sila ang dalawang housemates na napalayas na rin sa Bahay ni Kuya matapos maganap ang eviction night nitong nagdaang weekend.

Makalipas ang ilang linggong pakikipaglaban sa loob ng Big Brother house ay natapos na rin ang journey ni Alexa na tinaguriang “Smartista Unica Hija ng Pasig” at ang “Music Wonder Boy ng Parañaque” na si KD.

Sila ang nakakuha ng pinakamababang bilang ng “save votes” — si Alexa ay nay 17.03% habang si KD naman ay nakakuha ng 16.99%.

Sa panayam sa nanay ni Alexa na si Dina, sinabi nitong super proud siya sa anak dahil naniniwala siya na nakuha nito ang pagmamahal at suporta ng madlang pipol.

“You have won the votes and hearts of the taumbayan and that makes you a real winner. You should be proud. We are proud of you,” pahayag ng ina ng young actress.

Ayon naman kay Alexa, napakarami niyang baong mga bagong life lessons na natutuna niya bilang housemate at proud daw siya sa mga naiambag niya sa loob ng Bahay ni Kuya. 

“I think ang pinakaimportante na nabigay ko sa kanila bukod sa musika ay ang pagiging maalagain ko sa bawat housemate,” pahayag ni Alexa.

View this post on Instagram

A post shared by Pinoy Big Brother (@pbbabscbntv)


Para naman kay KD, hinding-hindi niya malilimutan ang mga naging naranasan niya bilang celebrity housemate, lalo na ang mga payo sa kanila ni Kuya.

“It’s in my moniker, I gave music to the house,” ang tugon ni KD sa tanong kung ano sa tingin niya ang naging contribution niya sa “PBB” house.

Sabi naman ng kanyang ama, “You did exactly what you said when you entered the PBB house, you did you and the people loved you for it. Nasa labas ng ‘PBB’ ang iba sa kanila right now. Sobrang overwhelming.”

Kasunod ng eviction night ang announcement ng Top 5 para sa season 10 ng reality show ng ABS-CBN — at yan ay binubuo nina Alyssa, Samantha, Brenda Mage, Madam Inutz at Anji.

Magaganap ang Big Night para sa season 10 ng “PBB” sa darating na Jan. 2, 2022. Sino nga kaya ang tatanghaling celebrity Big Winner? Yan ang dapat nating abangan! 

View this post on Instagram

A post shared by Pinoy Big Brother (@pbbabscbntv)


https://bandera.inquirer.net/298275/alexa-may-body-dysmorphia-lagi-kong-naririnig-ang-taba-mo-magpapayat-ka-wala-kang-project-kasi-mataba-ka

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/297947/karen-super-react-sa-pagwo-walkout-ni-kd-matapos-ma-nominate-uli-sa-pbb-10-eviction
https://bandera.inquirer.net/299314/brenda-mage-kay-alexa-wala-siyang-silbi-ganda-lang-talaga-panay-lamon-pa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending