Korean Oppa Kim Ji-soo tinuruan ni Jillian ng Tagalog: Like bastos! Joke!
IN FAIRNESS, mukhang matatagalan pa nga bago makauwi at makabalik sa South Korea ang K-drama star na si Kim Ji-soo.
Sunud-sunod kasi ang mga proyekto ngayon ng Korean Oppa sa Pilipinas at ramdam na ramdam ng kanyang mga Pinoy fans na super nag-eenjoy talaga siya sa bansa.
Nitong nagdaang linggo ay dalawang beses naming nakachikahan kasama ang iba pang piling miyembro ng entertainment media si Kim Ji Soo.
Una sa finale presscon ng hit afternoon drama ng GMA 7 na “Abot-Kamay Na Pangarap” na pinagbibidahan ni Jillian Ward at sa grand mediacon ng unang pelikula niya sa Pilipinas na “Mujigae” (Rainbow)” kasama sina Alexa Ilacad, Rufa Mae Quinto at ang baguhang child actress na si Ryrie Sophia.
Baka Bet Mo: Herlene rumatsada sa motorcycle taxi; sinubuan pa ng ice cream
“Actually it was really fun experience. When I first came (taping) here, the whole cast, the whole team (ng Abot-Kamay Na Pangarap), always welcome to me, they always help me a lot.
View this post on Instagram
“They always made me feel relax! So, now I got use to the set. Working with Jillian was really fun. She taught me TikTok, and a lot of things, and a lot of Tagalog, like bastos (sabay tawa).
“Joke lang! Joke lang!” ang pagbibiro ni Kim Ji Soo sa finale presscon ng “AKNP.”
Bigla namang sumingit si Jillian at tinanong ang Korean actor, “Ji Soo, what’s your nickname?”
“Masungit. Masungit. Because I look like masungit!” sagot naman ni Ji Soo na gumaganap sa serye bilang child psychiatrist na si Dr. Kim Young.
Sey pa ng Korean actor sa naging experience niya sa taping ng “Abot Kamay Na Pangarap” hindi raw siya masyadong nahirapang mag-adjust.
“They always approach to me first. They always made me feel relax. I really feel comfortable. It’s a really good experience,” sey ni Ji Soo.
Samantala, huwag nang bibitiw sa nalalapit na pagtatapos ng “Abot-Kamay Na Pangarap” dahil pangako nina Jillian at Ji-soo napakarami pa raw pasabog na twist and turns ang dapat abangan ng manonood.
Napapanood pa rin ang “AKNP” tuwing 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime. Kasama rin dito sina Carmina Villarroel, Richard Yap, Dina Bonnevie, Pinky Amador, Kazel Kinouchi, Andre Paras, Chuckie Dreyfus, Jeff Moses, John Vic De Guzman at Wilma Doesnt, mula sa direksyon ni LA Madridejos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.