Herlene rumatsada sa motorcycle taxi; sinubuan pa ng ice cream

Herlene rumatsada sa motorcycle taxi; sinubuan pa ng ice cream

Ervin Santiago - August 01, 2024 - 12:20 AM

Herlene rumatsada sa motorcycle taxi; sinubuan pa ng ice cream

Herlene Budol

PARA makauwi agad sa kanilang bahay sa Rizal at makaiwas sa traffic ay nagdesisyon si Herlene Budol na sumakay na lang sa motorsiklo.

Yes! Nag-book ang Kapuso actress at dating beauty queen sa isang kilalang ride-hailing app pauwi sa kanila mula sa kanyang trabaho.

Ayon sa dalaga, ngayon lamang siya uli nag-book at sumakay sa motorcycle taxi dahil gusto na niyang makauwi agad sa kanilang tahanan.

Aniya pa, ang huling beses na gumamit siya ng ride-hailing app ay bago pa mag-pandemic.

Baka Bet Mo: Stephen Speaks nilinaw ang isyu ukol sa traffic violation: I saved that kid from a traffic ticket he didn’t deserveMakikita sa post ni Herlene sa kanyang Instagram page ang pagbi-video niya sa kanilang pagbibiyahe. May caption itong, “Rides tayo haha!”

Nang ma-stuck sila sandali sa traffic, ay may mga motorista at commuter na nakakilala sa TV host-actress.

In fairness, magiliw naman silang binati ni Herlene. Sa katunayan, may isang lalaki pa nga na biglang lumapit sa kanya at nag-alok ng ice cream at talagang sinubuan pa siya nito.

Kuwento pa ng Kapuso star, kilala rin daw niya ang rider ng motor na kanyang nasakyan. Friends din daw sila sa Facebook.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)


Samantala, ipinakita rin ni Herlene na habang binabaybay ang daan patungong Rizal ay may pagkakataon pang nagpalit sila ng puwesto ng rider at siya naman ang nagmaneho.

Baka Bet Mo: John Prats sumakay sa dump truck para makapag-report sa Showtime

“So guys, nagpalit kami. Ako naman nag-angkas sa kanya para ma-feel naman niya maging pasahero.

“Siya naman ‘yung pasahero, hindi siya ‘yung palaging nagpapaangkas,” ang sabi ni Herlene sa video.

Maayos namang nakarating sa kanyang destinasyon si Herlene at ang rider.

Birong dialogue pa ni Herlene nang makababa na siya sa motor, “Kuya, ang ida-drop n’yo po P86. Tip-an nim’yo po ako, ah. Kung hindi, last biyahe mo na po ‘to.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagbayad naman nang totoo si Herlene kay Kuya rider at in fairness uli, binigyan pa niya ito ng tip.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending