Herlene Budol aminadong hirap makatrabaho si Empoy, bakit kaya?
PARA sa beauty queen-actress na si Herlene Budol, mahirap makatrabaho ang kagaya ni Empoy.
Pero hindi sa in a negative way, ito ay dahil sa sobrang effective nitong komedyante.
Kwento ni Herlene, very challenging ang makasama sa taping si Empoy dahil nawawala daw siya sa kanyang karakter kapag sila ay magkaeksena.
Hindi niya raw kasi mapigilang matawa sa sobrang galing umarte at magpatawa ni Empoy.
“Ang hirap po niyang katrabaho, sobrang hirap,” sey ng beauty queen.
“His facial expressions make me laugh even if we’re doing a heavy scene where I have to cry,” paliwanag niya sa isang recent video conference para sa final week ng “Black Rider” na iniulat ng INQUIRER.
Dagdag niya, “When I look at him, I can’t help but break character. I become a fan girl. Bata pa lang kasi ako, napapanood ko na ang isang Empoy.”
“His smallest movements and nuances bring out my real personality,” wika pa ng aktres.
Masaya rin ang aktres na maraming natutuwa sa tambalan nila ni Empoy, lalo na’t may mga nagsasabi na may “chemistry” silang dalawa.
“In terms of chemistry, our director Rommel Penesa, would tell me, ‘Meron talaga.’ I’d reply, ‘Talaga ba, Direk?’ I just try to enjoy every moment when I’m working with him,” chika ni Herlene.
Biro pa ng beauty queen-turned-actress, “Masaya naman po kami kapag naglalandian sa set.”
Bandang huli, lubos ang pasasalamat ni Herlene na naging parte siya ng “Black Rider.”
“Pretty is now a big part of my life…I get to work with actors I look up to. Masarap dito, walang plastikan,” lahad niya.
Aniya pa, “Now, I’m having ‘sepanx’ (separation anxiety) because the show is about to end. I will miss our bonding. The friendship we have is priceless.”
Ang nasabing primetime action series sa GMA ay magtatapos na sa darating na Biyernes, July 26.
Ang role diyan ni Herlene ay bilang battered wife na si “Pretty,” habang si Empoy naman ang kanyang admirer at motorcycle rider na si “Oka” na eventually ay magkakagustuhan sa isa’t-isa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.