Ellen Adarna nagpakabit ng IUD para hindi agad mabuntis ni Derek Ramsay Bandera

Ellen Adarna nagpakabit ng IUD para hindi agad mabuntis ni Derek Ramsay

Reggee Bonoan |March 13,2022
share this

Ellen Adarna nagpakabit ng IUD para hindi agad mabuntis ni Derek Ramsay

Reggee Bonoan March 13, 2022 - 04:15 PM
Ellen Adarna at Derek Ramsay

Ellen Adarna at Derek Ramsay

SUMAKIT ang tiyan namin sa katatawa sa tambalan nina Morly Alino, Romel Chika at Nanay Cristy Fermin sa bago nilang YouTube Channel na “Showbiz Now Na”.

Ang huhusay kasi nilang magbatuhan ng linya, walang nagba-buckle, at walang dead air kaya para talaga kaming nanonood sa comedy bar.

May kanya-kanya silang forte, si Romel ay matagal na talagang stand-up comedian, si Morly ay radio host sa matagal na panahon at on the side ay nagho-host din sa events na walang ginawa kundi aliwin ang mga bisita at bagama’t seryoso si ‘Nay Cristy ay kaaaliwan mo naman ang delivery niya ng mga isyu dahil tumbok na tumbok.

Anyway, nagulantang kami sa tsika ng “Showbiz Now Na” host tungkol kina Derek Ramsay at Ellen Adarna kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa nabubuntis ang huli.

Sabi ni ‘Nay Cristy, “Whirlwind romance ito, nagkita isang gabi, nagkita ulit kinaumagahan, sa ikatlong araw sila na. Pero ang nakakatuwa, nauwi sa kasalan.

“Pero ang tanong Morly, bakit ba hanggang ngayon wala pang anak si Derek at si Ellen, e, iyon ang hinihintay (dahil) ng mga tao!” sabi pa ng columnist, radio host YouTuber na rin ngayon.


At kaya pala si Morly ang tinanong ng batikang manunulat ay dahil siya pala ang direktang nakakausap ni Derek. “Ang kasagutan…ay teka tatanggalin ko muna ang fake kong buhok,” nakatawang saad ni Morly sabay tanggal ng nakayuping papel at inabot kay ‘Nay Cristy para basahin.

“Ellen Adaran naka-IUD kaya hindi pa mabuntis ni Derek Ramsay,” ang nakasulat sa papel.

Nagulat si Romel Chika, “Totoo?”

“Yessss,” masayang sagot ni Morly.

Ang paliwanag ni ‘Nay Cristy, “’Yun palang nakatanim na IUD sa bulaklak (pribadong parte ng katawan).”

Hirit ni Romel Chika, “Sa pukersya!”

Sagot ni ‘Nay Cristy, “Ang IUD ‘yan po ‘yung ibinibigay ng mga doktor para hindi agad-agad magdalang-tao ‘yung babae. ‘Yan ‘yung intrauterine device.

“Pero bilib ako ha, napakaresponsable nilang magulang kasi bata pa si Elias ayaw pa nilang masundan. Kahit nga tatlong dosena kaya nilang mag-anak, eh,” ani Nay Cristy.

“Oo, saka nag-e-expect nga tayo sa loving-loving palang nila, di ba? Kahit pala magtatambling-tumbling sila hindi mabubuntis,” opinyon naman ni Romel chika.

“‘Yun na nga, nakukulitan na nga yata sa akin si Derek, sabi ko, ‘friend kelan ba kayo magkakaanak? Kelan ba magbubuntis si Ellen?’ Sabi ni Derek, ‘Hindi pa magbubuntis naka-IUD.’  Pero ang pangako next year daw tatanggalin na dahil gusto na nilang magkaanak,” sabi ni Morly.

At sabay-sabay silang nagsabing, “Yan ang abangan!”

May tanong ulit si ‘Nay Cristy, “Ito bang IUD ay ipinakabit ni Ellen nu’ng sila na ni Derek Ramsay o nu’ng sila pa ni John Lloyd Cruyz?”

“Yan ang susunod na sasagutin ni Derek Ramsay. Ha-hahahaha!” tumatawang sabi ni Morly.

Cristy Fermin kay Vice: Huwag kang balat-sibuyas kung kasing-kapal ng repolyo ang mukha mo

Bea Alonzo dinepensahan ni Cristy sa bashers: Hindi po siya naghubo’t hubad

Lola ni Jake Zyrus malungkot sa nangyayari sa apo, ani Cristy Fermin

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending