Ronnie Alonte, Loisa Andalio umaming natakot kay Joey de Leon: Pero ang dami naming natutunan sa kanya | Bandera

Ronnie Alonte, Loisa Andalio umaming natakot kay Joey de Leon: Pero ang dami naming natutunan sa kanya

Ervin Santiago |December 27,2022
facebook
share this

Ronnie Alonte, Loisa Andalio umaming natakot kay Joey de Leon: Pero ang dami naming natutunan sa kanya

Ervin Santiago - December 27, 2022 - 07:45 AM

Ronnie Alonte, Loisa Andalio umaming natakot kay Joey de Leon: Pero ang dami naming natutunan sa kanya

Ronnie Alonte, Loisa Andalio, Toni Gonzaga at Joey de Leon

NAPAKARAMING natutunang life lesson ng Kapamilya actor at dancer na si Ronnie Alonte sa veteran TV host-comedian na si Joey de Leon.

Kasama si Ronnie at ang kanyang girlfriend na si Loisa Andalio sa pelikula nina Joey at Toni Gonzaga na “My Teacher” na isa sa mga official entry sa Metro Manila Film Festival 2022.

Nagbahagi si Ronnie ng naging experience nila ni Loisa sa shooting ng “My Teacher”, kabilang na ang mga hindi nila malilimutang eksena kasama sina Joey at Toni.

“Sobrang saya kasi ito yung first na pagsasama namin ni Loisa sa isang Metro Manila Filmfest after pandemic and ‘yung role is parang secondary or bida talaga and kasama namin si tito Joey and Ms. Toni.

“Kasi nag-MMFF ako before 2016, sa Seklusyon. So after nu’n, wala na hindi na nasundan. And ngayon happy kami na after pandemic balik sinehan pagkatapos ng kulong ng mga tao. Excited kami na makita yung mga tao na excited,” kuwento ni Ronnie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ronnie Alonte (@iamr2alonte)


Sey ng binata, pagkatapos ng shooting nila, talagang napakarami nilang natutunan mula kay Tito Joey na first time nilang nakatrabaho dahil nga magkaiba sila ng TV network.

“Actually classmate namin si tito Joey sa movie. Nu’ng una natatakot kami kasi si Tito Joey iconic na, eh. Legend na yun eh.

“Pero the way siya makipag-usap sa amin grabe talaga. Tinuturuan niya kami kung paano sa buhay tapos may halong joke patawa, so ang gaan kasama,” chika ni Ronnie.

“Kunwari medyo dramang-drama na yung script, lagi siyang may binabato sa dulo na, ‘Kailangan ko magpatawa dito. Ito ‘yung punchiline ko. Ayokong maramdaman ng tao na drama ito, malungkot ito. Gusto ko lagi may pambawi sa dulo.’ So ‘yun ‘yun. Ang galing,” dagdag pang chika ng aktor.

Samantala, tungkol naman sa relasyon nila ni Loisa, “Same lang sa dati kasi ‘yun naman ‘yung lagi kong sinasabi, kung bakit kami nagtatagal.

“Kasi nire-respect namin ang isa’t isa. Respeto sa isa’t isa. Never akong naging kontra sa kanya. Never siyang kumontra sa akin.

“Lagi namin pinagdidiskusyunan and yung desisyon naman namin nag-ma-match. Kaya hanggang ngayon, going six years,” sey pa ni Ronnie Alonte.

Promise ni Ronnie: Wala na akong ibang hahanapin pa at wala akong balak pakawalan si Loisa!

Loisa, Ronnie ready na nga bang dalhin sa ‘next level’ ang relasyon?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Payo nina Ronnie at Loisa sa mga gustong mag-artista: Go lang nang go, sundin ang nasa puso n’yo!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending