Payo nina Ronnie at Loisa sa mga gustong mag-artista: Go lang nang go, sundin ang nasa puso n'yo! | Bandera

Payo nina Ronnie at Loisa sa mga gustong mag-artista: Go lang nang go, sundin ang nasa puso n’yo!

Ervin Santiago |February 27,2022
facebook
share this

Payo nina Ronnie at Loisa sa mga gustong mag-artista: Go lang nang go, sundin ang nasa puso n’yo!

Ervin Santiago - February 27, 2022 - 06:25 AM

Loisa Andalio at Ronnie Alonto

SEVEN years na sa mundo ng showbiz ang Kapamilya actor na si Ronnie Alonte at napakarami pa niyang gustong ma-achieve sa kanyang career.

Isa si Ronnie sa mga masusuwerteng youngstar na muling pinapirma ng exclusive contract ng Star Magic kasama ang kanyang girlfriend na si Loisa Andalio.

At dahil dito kaya mas naging motivated daw siya na pagbutihin ang kanyang trabaho at para hindi masayang ang tiwala at patuloy na pagsuporta sa kanya ng mga bossing ng ABS-CBN.

“Hindi ko rin ine-expect. Pangpitong taon ko palang to ngayon sa industriya. Sobrang happy ako kasi kagaya nito, binigyan tayo ng panibagong kontrata ulit. Excited na ko sa mga susunod pang mangyayari,” pahayag ng binata sa “Kapamilya Strong” event kamakailan.

Sey pa ng aktor, napakalaki ng tinatanaw niyang utang na loob sa Kapamilya network, “Dito ako nagsimula. Ito ’yung bumuhay sa’kin nu’ng dating walang-wala pa ko. Hanggang ngayon, nandito pa rin ako.”

Kasabay nito, todo rin ang pasasalamat niya sa kanyang mother network dahil kahit na marami nang baguhang aktor ay nabibigyan pa rin siya ng magagandang projects. Muli silang bibida ni Loisa sa upcoming series na “Love in 40 Days.” 

Pahayag pa ni Ronnie, “Kung ano ’yung nasimulan ko, ipagpatuloy pa. And ’yung mga dream roles, magawa pa. Ito ’yung pampatunay na matutuloy na talaga.

Narito naman ang mensahe ng binata sa mga kabataang nangangarap ding maging artista, “Ituloy n’yo lang ang pangarap n’yo. Kung ano ’yung nararamdaman n’yo, go lang. ’Wag makikinig sa iba. Sundin n’yo ’yung nasa puso n’yo.”

View this post on Instagram

A post shared by RB A. CHANCO (@rbchanco)


* * *

Tulad ni Ronnie Alonte, nag-renew din ng kontrata si Loisa Andalio sa Star Magic at excited na siya sa mga susunod na projects niya sa Kapamilya network.

Ayon kay Loisa, hindi siya masyadong nakaramdam ng pag-aalala para sa kanyang career kahit na nagkapandemya at natigil ang operasyon ng ABS-CBN.

“Nakakagulat yung pangyayari nu’ng pandemic. Sa iba, nakaka-trauma talaga yung nangyari. Pero sobrang happy ako kasi pamilya talaga kami rito.

“Hindi ako ganu’n na nangamba. Magtiwala ka rin kasi hindi ka nila pababayaan,” paliwanag ng dalaga.

Aniya pa, napakalaki ng naitulong ng ABS-CBN sa kanya bilang breadwinner ng pamilya.

“Napakahalaga kasi napakaraming naitulong sa akin ng pagiging Kapamilya, bilang breadwinner ng family. Hindi lang sa financial. Masaya ako makapagbigay ng saya, aral, tulong, and inspirasyon,” aniya pa.
Ito naman ang payo niya sa mga aspiring actors, “Mangarap lang kayo nang mangarap kasi libre lang ‘yan. Kailangan may kilos din at tiyaga. 

“Wag kayong susuko sa pangarap n’yo. Once gusto mo yung isang bagay, tapos para sa ‘yo talaga, ibibigay ni Lord yun para sa ‘yo,” diin pa ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod sa bago nilang serye na “Love in 40 Days” mula sa  Dreamscape Entertainment, napanood din ang young celebrity couple sa digital series na “The Goodbye Girl” na pinagbibidahan ni Angelica Panganiban.

Promise ni Ronnie: Wala na akong ibang hahanapin pa at wala akong balak pakawalan si Loisa!

Loisa, Ronnie may plano raw lumipat sa GMA; Kid Yambao payag sa indecent proposal

Ronnie Liang 2 beses nabiktima ng Budol-Budol; libu-libong piso natangay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending