Toni Gonzaga sa pag-alis sa 'PBB': Parang papunta na talaga doon

Toni Gonzaga sa pag-alis sa ‘PBB’: Parang papunta na talaga doon

Therese Arceo - February 03, 2024 - 11:18 PM

Toni Gonzaga sa pag-alis sa 'PBB': Parang papunta na talaga doon

SA unang pagkakataon ay naging bukas ang actress-singer na si Toni Gonzaga hinggil sa kanyang pag-alis bilang main host ng “Pinoy Big Brother”.

Sa kanyang panayam sa showbiz columnist na si Aster Amoyo, napag-usapan nila ang naging takbo ng kanyang karera maging ang mga pinagdaanan nito sa mundo ng showbiz.

Unang ikinuwento ni Toni ang pagsisimula ng career nang makilala sa isang commercial para sa kilalang softdrinks hanggang sa maging parte ng “Eat Bulaga” hanggang sa paglipat nito sa ABS-CBN at ang paglisan nito sa reality show kung saan siya ang main host for 16 years.

Pagkukuwento niya, hindi naman daw talaga siya ang main host ng “Pinoy Big Brother” kundi si Willie Revillame. Co-hosts lamang sila noon ni Mariel Rodriguez Padilla.

Nangyari lang ang kanyang pagiging main host nang minsang hindi makapasok si Willie dahil sa kanyang busy schedule at doon na nagtuloy-tuloy ang kanyang pagiging main host.

Baka Bet Mo: Toni Gonzaga hinangaan si Jolina: Ang bait niya sa mga baguhan

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ngunit kahit 16 years nang parte si Toni ng programa ay dumating pa rin sa puntong kailangan niyang mamaalam.

“Inabot ka ng 16 years, ikaw ang naging mukha ng PBB, what made you decide to leave PBB? Kasi ikaw na ‘yon eh. So what made you decide to finally leave PBB?” tanong ng kolumnista.

Sagot ni Toni, “‘Yong mga circumstances and situation that happened during that time… parang papunta na talaga siya doon.”

Inamin rin niya na naging mahirap para sa kanya ang desisyong lisanin ang programa.

“It was hard. It was hard pero parang… ‘yon na ‘yong nasa harap mo eh,” pagbabahagi ni Toni.

Nang matanong kung iniyakan niya ang pag-alis, sinabi niyang wala siyang oras para umiyak.

“Walang time para umiyak ako nung mga panahon na ‘yun kasi ang bilis ng mga pangyayari. Ang bilis ng transition. Parang after PBB, nag-transition agad ng new chapter,” pagpapatuloy ni Toni.

Matatandaang naging kontrobersyal ang ginawang hosting stint ng aktres sa campaign rally ni Pangulong Bongbong Marcos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami ang nainis kay Toni nang iendorso niya si Rodante Marcoleta na isa sa mga hindi sumang-ayon sa pagbibigay prangkisa sa kanyang home network, ang ABS-CBN.

Sa naging panayam naman niya sa isang FM radio program ay sinabi nitong wala na siyang balak na bumalik sa “Pinoy Big Brother”.

“Parang feeling ko the 16 years that I gave… I’ve given sa PBB parang ano na ‘yon, that was special and memorable in my heart, pero sobrang gagaling na ngayon ng mga host ng PBB and I’m sure they will continue the legacy ni Kuya,” ani Toni.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending