Joj at Jai Agpangan napagkamalang members ng 4th impact

Joj at Jai Agpangan napagkamalang members ng 4th impact

Therese Arceo |March 20,2024
facebook
share this

Joj at Jai Agpangan napagkamalang members ng 4th impact

Therese Arceo - March 20, 2024 - 01:07 AM

Joj at Jai Agpangan napagkamalang members ng 4th impact

Joj at Jai Agpangan

ALIW na aliw ang netizens sa naging live selling ng dating “Pinoy Big Brother” ex-housemates na sina Joj at Jai Agpangan kung saan napagkamalan silang miyembro ng girl group na 4th impact.

Nitong Biyernes, March 15, nag-live ang kambal sa TikTok para magbenta ng flavored popcorns ngunit tila nalito ang mga netizens dahil base sa comment section ay paulit-ulit silang tinanong patungkol sa mga aso.

Base nga rin sa screen recording ng isang netizen sa naturang live selling na nag-viral ngayon, marami ang nagtatanong kina Joj at Jai kung sila ba ang dalawa sa apat na members ng 4th impact.

Narito ang ilan sa mga comment na mababasa sa naturang live selling.

“Pakawalan nyo ang mga shit tzu,” saad ng isa sa live selling nina Joj at Jai.

Sabi naman ng isa, “SANA IPA-adopt NIYO NA LANG YUNG MGA SHIT TZU.”

Baka Bet Mo: Kambal na sina Joj at Jai mai-in love sa iisang lalaki

“Hindi sila ‘yung 4th impact huhuhu,” depensa naman ng isa sa kambal.

Sinagot naman ng kambal ang mga comments ng netizens at sinabing wala silang pinapabayaang aso at hindi rin sila members ng P-pop group.

“Mahilig kami sa aso, bakit naman namin sila aanuhin? Hindi nga kami to, hindi kami yung sa shih tzu, hindi kami yung sa 4th Impact. Si Joj at Jai kami,” saad ni Jai.

“Guys, maawa naman kayo. Ano ba yan? Nag-a-assume kayo nang iba-iba.

“Dalawang impact lang kami ni Joj, nakikita niyo ba? Hindi kami talaga yung sa 4th Impact!” natatawan sey pa ni Jai.

“Nakakaloka kayo, guys, free the shih tzu e, maalaga kami sa aso. Walang kaming kaalam-alam dun,” sabi naman ni Joj.

“Tsaka, guys, kung stressed man kayo sa buhay, huwag niyo kaming isama ha.
“Kain na lang kayo ng popcorn,” chika uli ni Jai.

Marami naman ang natawa sa viral video ng akusasyon ng ilang netizen sa kambal.

Saad ng isa, may point namna dahil may pagkakahawig raw ang dalawa aa magkakapatid na sina Elvira, Irene, Mylene, at Celina Cercado— ang mga members ng 4th Impact.

“HAHAHA aliw to. Nadamay pa yung kambal [Joj at Jai] sa kasalanan ng 4th Impact,” sabi pa ng isa.

Matatandaang nag-viral noon ang 4th impact matapos silang humingi ng tulong para sa mas malaking tahanan para sa kanilang 200 na shih tzu. Agad itong nag-viral matapos palagan ng netizens ang aksyon ng P-pop group dahil iresponsable daw na iasa sa iba ang pangangailangan ng kanilang aso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Burado na rin ang ginawa nilang donation drive sa GoFundMe matapos ang pambabatikos ng madlang pipol.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending