Kambal na sina Joj at Jai mai-in love sa iisang lalaki | Bandera

Kambal na sina Joj at Jai mai-in love sa iisang lalaki

Ervin Santiago |July 09,2016
facebook
share this

Kambal na sina Joj at Jai mai-in love sa iisang lalaki

Ervin Santiago - July 09, 2016 - 12:05 AM

joj at jai agpangan

GAGANAP ang magkapatid na Joj at Jai Agpangan (dating PBB housemates) bilang kambal na mai-in love sa isang lalaki sa isa na namang espesyal na episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong gabi sa ABS-CBN hosted by Charo Santos.

Si June (Jai) at Jess (Joj) ay ang perpektong halimbawa ng isang kambal sapagkat hindi lang sila magkamukha, magka-ugali rin sila. Mula sa parehong gupit, parehong panlasa sa pananamit, hanggang sa paghahati sa mga personal na bagay, hindi talaga mapagbukod ang magkapatid.

Malakas ang samahan ng kambal ngunit hindi nila akalain na susubukin pala ito pagtuntong nila sa kolehiyo. Makikilala ni Jess si Luis (Ronnie Alonte) at mai-in-love ito sa kaniya. Nag-aalangan si June kay Luis sa simula kung kaya’t mahigpit niyang binantayan ito pero naging malapit din sila sa isa’t isa nang tumagal na.

Sa hindi inaasahang pangyayari, aaminin ni Luis kay June na siya pala ang tunay nitong mahal at may plano pang iwanan ang kakambal niyang si Jess para sila ay magkasama. Bibigay kaya si June sa kaniyang nararamdaman para kay Luis? Matatanggap kaya ni Jess na siya ay iiwan ni Luis para sa sarili niyang kapatid?

Kasama rin sa upcoming episode na ito ng MMK sina Anna Capri, Smokey Manaloto, Micah Munoz, Matet de Leon at CJ Navato, sa direksyon ni Raz dela Torre at sa panulat ni Benson Logronio. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.

Patuloy na samahan ang MMK sa paggawa ng mas marami pang magagandang alaala sa ika-25 anibersaryo nito tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable channe 167).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending