Teacher nag-viral matapos i-live ang pagsigaw sa mga estudyante

Teacher nag-viral matapos i-live ang pagsigaw sa mga estudyante

Therese Arceo - March 17, 2024 - 04:10 AM

Teacher nag-viral matapos i-live ang pagsigaw sa mga estudyante

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang isang teacher matapos mag-viral ang kanyang TikTok live kung saan mapapanood na sinasabihan niya ang kanyang mga estudyante ng hindi magagandang salita.

Agad ngang kumalat ang screen recording ng naturang TikTok live ng guro sa iba’t ibang social media platforms dahil sa hindi kaaaya-ayang salitang sinabi nito sa mga bata gaya ng “ang kakapal ng mukha ninyo” at “wala kayong mararating sa buhay.”

Ang teacher na may-ari ng video ay may username na @Serendipitylover”.

“Nakakalimutan n’yo ‘yung ano n’yo ha, ‘yung boundaries n’yo. Una sa lahat hindi n’yo kami binabayaran dito para magtau-tauhan at gawing robot at gawin n’yong katatawanan sa harapan.

“Pangalawa, hindi ako nag-board exam para lang hindi irespeto ng mga katulad n’yong wala pa namang nararating sa buhay,” saad ng naturang teacher.

Sinabihan pa niyang “makapal” ang mga mukha ng mga estudyante.

“Ang kakapal ng mga mukha n’yo! Hindi n’yo nga kayang buhayin ang mga sarili n’yo. Hindi kayo marunong rumespeto,” gigil na sabi ng teacher.

Baka Bet Mo: #SerbisyoBandera: ‘Teacher Santa’ ng Iligan City tinupad ang Christmas wish ng 25 estudyante

 

Sinabi rin ng teacher na subukan munang mag-board exam ng mga estudyante para malaman nila kung “hanggang saan” sila.

“Baka hindi pa nga kayo pumasa eh, sa ugali n’yong ganiyan. Hindi na nga kayo matalino eh, ang sama pa ng ugali n’yo.

“Wala kayong mararating. Ako na nagsasabi sa inyo. Wala kayong lugar sa mundo,” sabi pa ng teacher.

Sa kalagitnaan ng kanyang mga pagpapagalit sa mga bata ay may isang nag-excuse sa isang estudyante na sinabihan niya ng “ingrato” at “ugaling squatter.”

Bagamat hindi na natukoy sa viral video ang dahilan ng galit ng teacher, marami sa mg netizens ang naniniwala na mali pa rin ang naging asta niya sa mga estudyante.

“This is unacceptable.. You are degrading your students in every possible way. @DepEd_PH @PRC_main  please check this account,” saad ng isang netizens.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Comment naman ng isa, “apart from valid concerns already raised by the qrts…. curious ako MARE ANONG THOUGHT PROCESS ‘YAN at naisip mong magtiktok… ng live… while in class… phone upright… the screen as a mirror… while mad… w/ those words… SEVEN LAYERS OF DECISION-MAKING ALL WRONG.”

“‘Di ba bawal to? grabe pa choice of words,” sey naman ng isa.

Nakatakda namang imbestigahan ng Department of Education (DepEd) ang naturang video at pinag-aaralan ang magiging aksyon sa insidenteng ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending