Guro sa Iligan City tinupad ang Christmas wish ng 25 estudyante

#SerbisyoBandera: ‘Teacher Santa’ ng Iligan City tinupad ang Christmas wish ng 25 estudyante

Pauline del Rosario - November 27, 2023 - 05:57 PM

#SerbisyoBandera: 'Teacher Santa’ ng Iligan City tinupad ang Christmas wish ng 25 estudyante

PHOTO: Courtesy Facebook/Melanie Reyes Figueroa

INSPIRASYON at istorya ng pagmamahal sa kapwa ang hatid ng isang public school teacher ngayong holiday season.

Siya si Teacher Melanie Reyes Figueroa o mas kilala bilang “Teacher Santa” ng Iligan City.

Tuwing sasapit ang Kapaskuhan, naging panata na ni Teacher Melanie ang tinatawag niyang “Be a Santa and Grant a Wish,” isang proyekto na kung saan ay tutuparin niya ang Christmas wish ng mapipili niyang maswerteng mga estudyante.

Ayon sa kanya, seven years na niya itong ginagawa at sa taong ito ay 25 na mga estudyante ang target niyang regaluhan.

As of this writing, nasa 23 na raw ang nabigyan niya ng regalo sa pamamagitan na rin ng mga sponsors.

Baka Bet Mo: #SerbisyoBandera: Grade 3 teacher sa Zambales nag-viral dahil sa mga paandar na gimik sa pagtuturo, may pa-libreng lapis at candy sa estudyante

Nakapanayam ng BANDERA si Teacher Melanie at nakwento nga niya na kumpara sa mga nakaraang taon ay kakaiba raw ang nangyari this year sa kanyang proyekto.

“Matagal ko na po ginagawa ito, pero since marami na ang nakakaalam na pag ganitong panahon ginagawa ko ito, ‘yung mga ‘grantors’ na po ang nagkukusa na nagpe-pledge,” sey ng guro.

Masayang kwento pa niya, “Ngayong taon lang po ito nangyari. Dati po nagpo-post muna ako ng wish ng learner then tsaka po sila magpe-pledge, first come first serve po.”

“Pero ngayon po, mas nauna po ang pledge,” patuloy niya.

Inusisa namin kay Teacher Melanie kung paano niya pinipili kung sino lang ang mabibigyan ng regalo.

Sagot niya, “Piling-pili po ang napapasali sa project na ‘to, ‘yung mga learners na talagang deprived po sa mga materyal na bagay dala ng kahirapan.”

“Madami po kasing ganito sa school namin. At least kahit papaano maranasan nila ang ganitong bagay,” ani niya.

Simple lang naman ang mga karaniwang hinihiling sa kanya ng mga estudyante, katulad na lamang ng bagong damit, bagong sapatos, at bagong bag.

Kwento ni Teacher Melanie, naisipan niya itong gawin dahil nais niya talagang mapasaya ang mga mahihirap na estudyante sa kanilang paaralan.

“Araw-araw po kasi nakikita ko sila and kahag-habag po ang kalagayan nila. Kahit papaano naman po ay mapasaya naman sila at maangkin po ang matagal na nilang hangad. Though mga materyal na bagay po ito pero ito po ‘yung wala sa kanila,” sambit ng Santa Teacher.

Lalo kami napahanga sa kabutihang loob ni Teacher Melanie nang tanungin naman namin kung ano ang Christmas wish niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Saad niya, “Ma-experience po ng mga students ko ang Buffet style na party po.”

Kwento pa niya, “Ito po ‘yung panghuli sa ‘Grant a Wish’ ko taon taon…‘yung tipong eat-all-you-can para naman po memorable.”

Sa mga nais mag-share ng mga nakaka-inspire na istorya, o kaya naman gustong dumulog o humingi ng tulong, lalo na sa mga nawawalang mahal sa buhay o kahit anong public service announcements, huwag mag-atubiling mag-message sa social media pages ng BANDERA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending