Babae nilunod alagang aso nang 'di pasakayin sa eroplano

Babae nilunod alagang aso nang ‘di payagang pasakayin sa eroplano

Therese Arceo - March 27, 2025 - 04:23 PM

Babae nilunod alagang aso nang 'di payagang pasakayin sa eroplano

Trigger Warning: Animal Abuse

ARESTADO ang isang babae sa Lake Country noong Miyerkules, March 19, dahil sa aggravated animal abuse, isang third degree felony.

Nangyari ang krimen matapos siyang pagbawalan na isama ang kanyang puting miniature schnauzer sa kanyang international flight dahil sa isyu sa mga dokumento.

At dahil rito ay naisipan ng babae na lunurin ang kanyang alagang aso sa isa sa mga restroom sa Florida airport.

Isang janitor ang nakakita sa 9-year-old- schnauzer na nagngangalang Tywinn sa loob ng garbage bag sa restroom stall ng Orlando International Airport noong December at dito na nga nagsimula ang imbestigasyon tungkol sa pagkamatay ng aso.

Baka Bet Mo: BABAE AKO: 7 ‘superhero’ celebrity nanay na proud sa anak na may special needs

Bandera IG

Bago ito ay nakita ng janitor ang isang babae na naglilinis ng sahig na may mga dog food at tubig.

Makalipas ang ilang minuto ay bumalik ang janitor matapos siyang ipatawag sa isang clean up emergency ay nakita ng mga nag-iimbestiga ang aso kasama ang mga kagamitan nito gaya ng companion vest, collar, rabies tag, dog travel bag, at isang bone-shaped dog tag kung saan nakalagay ang pangalan ng babae pati ang contact number.

Nakita rin sa mga footage ang pakikipag-usap niya sa empleyado ng Latam Airlines habang hawak ang aso at ang pagpunta niya sa restroom kasama ang alaga.

Matapos nito ay lumabas siya at nagdire-diretso sa proseso hanggang sa mag-board ang eroplano papuntang Columbia.

Agad namang naglabas ng arrest affidavit ang Orlando Police Department na nagsasabing: “This act was intentional and resulted in a cruel and unnecessary death of the animal”.

Pansamantala naman siyang nakalaya matapos magbayad ng $5000 (Php 286,675) bail.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon sa mga otoridad, ang kakulangan ng dokumento ang naging dahilan kung bakit pinagbawalan siyang isama ang aso sa paglipad.

Base sa U.S. Department of Agriculture, kinakailangan ng rabies vaccination at health certificate mula sa veterinarian para majapag-board ito sa eroplano.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending