5 aso nilason ng kapitbahay, may-ari nanawagan ng hustisya
HUSTISYA ang panawagan ng isang babae mula sa Agoo, La Union matapos mamatay ang kanyang limang aso dahil saxumano’y paglason ng kanyang kapitbahay.
Sa pamamagitan ng isang Facebook post, ibinahagi ni Kate Bulacan ang isang video kumg saan makikita ang mga aso na bumubula ang bibig at sa tabi nito ay ang isang lalagyan ng pagkain.
“Nananawagan po ako sa mga asosasyong ipinaglalaban ang karapatan ng mga animal. Please lang po para mabigyan ng hustisya,” hingi ng tulong ni Kate sa nangyari kaniyang limang aso.
Sa report ng ABS-CBN News, natagpuan na lang ni Kate na wala nang buhay ang mga alaga sa likod ng kanilang bahay nitong Biyernes, February 28.
Baka Bet Mo: Pumana sa aso ng 5 beses wanted, pabuya nasa P65k
View this post on Instagram
Aniya, naniniwala siyang nilason ang mga alaga at ang kapotbahay niya ang itinuturo niyang suspek.
Sinabihan raw kasi siya ng kanyang kapitbahay na pinapatay ng kanyang mga alaga ang mga pagmamay-ari manok.
Depensa ni Kate, open area ang kanilang lugar kaya pwede rin namang ibang aso ang pumatay sa mga manok.
At kung sakaling mapatunayan na ang limang aso niya ang pumatay, hindi pa rin ito sapat na dahilan para patayin at lasunin ang mga hayop.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.