Babaeng driver na nakabangga, nanglait pa imbes mag-sorry

Babaeng driver na nakabangga, nanglait pa imbes mag-sorry

Therese Arceo - April 10, 2025 - 06:51 AM

Babaeng driver na nakabangga, nanglait pa imbes mag-sorry

VIRAL ngayon ang isang babaeng driver matapos itong makabangga ng sasakyan at tumakas mula sa kanyang nabangga.

Makikita sa video na kalat na ngayon sa social media ang mainit na diskusyon ng dalawang kampo matapos ang naging banggaan.

“Tinakbuhan kami. Tinakbuhan kami nito,” maririnig sa video na sinasabi ng uploader habang nakatutok ang camera sa babaeng nakabangga umano sa kanila.

Naganap ang umano’y banggaan sa Ortigas Avenue extension at nang nagkaroon ng komprontasyon ay tila galit rin ang babae.

Baka Bet Mo: Rider na binaril ng motorista sa Antipolo road rage pumanaw na

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Itinatanggi rin ng babae na siya ay nakabangga at tila nagmamadali na itong umalis.

“Ma’am, sorry. Ang alam ko talaga hindi ako nakabangga.

“Nagmamadali kang ano kasi kahit ako makipag-ano sa’yo, wala kang pambayad,” sey ng babae.

Imbes na mag-sorry sa kanya umanong nagawa ay nilait pa nito ang kanyang nabangga.

Minaliit pa ng babaeng nakabangga ang umano’y agrabyadong kampo at sinabing luma naman daw ang sasakyan nito.

“Ayaw kitang kausap. Wala ka namang pambayad. Bago ang kotse ko,” sabi pa nito.

Sabi naman ng nag-upload ng video ay bago pa man ang kanilang mainit na alitan sa kalye ay nabangga na sila ng babae sa tapat ng isang mall sa Cainta, Rizal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At nang maabutan nila ang nakaalitang driver sa Ortigas Avenue Extension ay tila balak pa silang banggain nitong muli.

Hindi pa naman malinaw kung nagsampa na ng kaso ang kampo ng mga nabangga.

Bukas naman ang BANDERA para sa panig ng kampong sangkot sa isyu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending