Ashley Ortega inatake ng matinding takot dahil kay Carmina: Pero super sweet pala siya at napaka-humble | Bandera

Ashley Ortega inatake ng matinding takot dahil kay Carmina: Pero super sweet pala siya at napaka-humble

Ervin Santiago |April 04,2022
facebook
share this

Ashley Ortega inatake ng matinding takot dahil kay Carmina: Pero super sweet pala siya at napaka-humble

Ervin Santiago - April 04, 2022 - 07:07 AM

Carmina Villarroel at Ashley Ortega

INATAKE ng takot ang Kapuso actress na si Ashley Ortega nang nalaman niyang si Carmina Villarroel ang makakasama nila sa unang suspenserye ng GMA 7 na “Widows’ Web.”

Sa programang ito, talagang labanan ng aktingan at tarayan sina Ashley at Carmina bilang sina Jackie Sagrado at Barbara Sagrado-Dee respectively.

In fairness, gabi-gabing inaabangan ng manonood ang confrontation scenes ng dalawang bida sa “Widow’s Web” pati na rin ang mga pumapa-punchline na karakter nina Pauline Mendoza at Vaness del Moral kaya naman palagi itong wagi sa ratings game.

“At first, kinabahan ako noong nalaman ko na makaka-work ko si Ate Mina, tapos nabasa ko pa ‘yung script na ang dami naming sagutan, doon ako kinabahan,” pahayag ni Ashley sa panayam ng GMA Network.

Ito ang unang pagkakataon na nakasama niya sa isang teleserye si Carmina at lahat daw ng kaba at takot na naramdaman niya noong nagsisimula pa lang ang kanilang lock-in taping ay napalitan na ngayon ng saya at paghanga.

“When I met her, she’s super approachable. Super sweet, napakabait ni Ate Mina, napaka-humble.

“So, nawala ‘yung kaba ko kasi nakikita ko na I’m super comfortable with her. She doesn’t make me feel intimidated by her, talagang nakikipag-usap siya sa akin, and same goes with everybody,” chika ng dalaga.

Kuwento pa ni Ashley, matapos ang mahigit isang buwan nilang pagsabak sa lock-in taping, naging close na ang buong cast at production team ng “Widows’ Web.”

“Sobrang close naming lahat. Actually, ‘yung buong production ng Widows’ Web, from the artists to the production, to the staff, to our director, lahat kami sobrang close namin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ashley Ortega (@ashleyortega)


“That’s why kahit medyo matagal ‘yung lock-in taping namin, hindi kami nagkakaroon ng anxieties kasi nagdadamayan kami, nagtatawanan, puro jokes ‘yung mga co-artist namin,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa pagpapatuloy ng kuwento, tila malapit nang mabuking kung sino talaga ang tunay na killer kaya huwag na huwag nang bibitiw sa “Widows’ Web” na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Carmina, Ashley patalbugan ng akting sa ‘Widow’s Web’; batuhan ng linya pak na pak sa manonood

Bakit nag-‘yes’ agad si Carmina sa unang suspense-serye ng GMA 7 na ‘Widow’s Web’?

Francine Diaz: Wala akong boyfriend, single lady po ako!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending