Rapper, GF arestado sa ‘voice phishing’ scam, P5-M kita per week
ARESTADO ang isang rapper-musician kasama ang kanyang girlfriend-vlogger sa isinagawang raid ng Philippine National Police (PNP) sa Cavite.
Hindi pinangalanan sa report ang naturang rapper at ang karelasyon nito pero base sa inisyal na pagsisiyasat, kabilang sila sa 19 indibidwal na dinampot ng otoridad dahil sa “voice phishing” scam.
Naganap ang police raid sa isang bahay sa Imus, Cavite makalipas ang halos tatlong buwang surveillance. Ang naturang bahay ang ginagamit umano ng mga naarestong suspek sa kanilang ilegal na gawain.
Baka Bet Mo: 50% ng Pinoy ‘basted’, 33% nakararanas ng ‘one-sided’ love – SWS
Base sa ulat ng “24 Oras”, tinangka pa raw tumakas ng ilan sa mga miyembro ng sindikato kaya mabilis silang hinabol ng mga pulis na umabot hanggang sa isang farm.
Ayon sa imbestigasyon ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group, na-recruit daw rapper ng naturang sindikato tatlong buwan na ngayon ang nakararaan.
Sa salaysay daw ng musikero, nu’ng una ay inakala niyang legal ang operasyon ng sinalihan niyang grupo ngunit nang tumagal ay nalaman niyang mga scammer pala ang kanyang business partners.
“Parang gusto na nila umalis kaso nasagawa na natin ang operasyon,” ang pahayag ni PNP-ACG spokesperson Wallen Mae Arancillo.
Mukhang nahirapan na raw kumalas ang rapper at ang kanyang girlfriend sa sinalihang “negosyo” dahil sa laki ng kanilang kinikita.
Baka Bet Mo: Sanhi ng pagkamatay ni K-Pop singer Park Bo Ram natuklasan na
“P5 million per week ang kinikita nila and I believe by percentage sila kung ilan ang tao na ma-scam nila,” sabi pa ni Arancillo.
Nakumpiska sa naganap na raid ang mga credit card application na ginagamit ng mga suspek sa pag-i-scam ng mga inosenteng tao at ilang dokumento kung saan nakasulat ang script na ginagamit ng mga scammer
“Meron tayong nakausap na victim na imbes na panggamot sa anak nya sana ay na-scam, kaya namatay ito,” pahayag ni Arancillo.
Sinampahan ang mga naarestong suspek ng violation of the Anti-Financial Account Scamming Act. Nakakulong sila sa PNP-ACG headquarters.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.