Rapper OG Kaybee patay matapos pagbabarilin sa Muntinlupa | Bandera

Rapper OG Kaybee patay matapos pagbabarilin sa Muntinlupa

Ervin Santiago |February 22,2022
facebook
share this

Rapper OG Kaybee patay matapos pagbabarilin sa Muntinlupa

Ervin Santiago - February 22, 2022 - 12:09 PM

Jomer ‘OG Kaybee’ Galicia

PATAY ang isang rapper-musician matapos pagbabarilin sa tapat ng isang shopping mall sa Alabang, Muntinlupa kaninang umaga. Siya ay 32 years old.

Base sa ulat, pinaulanan ng bala ang biktimang si Jomer Galicia o mas kilala sa tawag na OG Kaybee bilang rapper at miyembro ng grupong 187 MOB kahapon, dakong alas-8 ng gabi.

Ayon sa mga imbestigador na rumesponde sa pinangyarihang krimen, sakay umano ng puting van ang tatlong suspek na pumatay sa biktima.

Sa inisyal na pagsisiyasat, kasama ng biktima ang isa pang rapper na si Benson Malubay, na kilala sa tawag na “Abbadon,” nang magpunta sila sa isang clothing store na matatagpuan sa National Road sa Alabang.

At habang pabalik na sa kanilang sasakyan, biglang sumulpot ang tatlong suspek na nakasuot ng puting t-shirt at maong pants.

Agad daw pinaputukan ng isa sa mga suspek na naka-bonet si Galicia sabay takas at mabilis na sumakay sa isang puting van.

Sinabi ng mga imbestigador na nagtamo ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang rapper. 

Agad na isinugod ang biktima sa Ospital ng Muntinlupa ngunit idineklara nang dead on arrival eksaktong 9:19 ng gabi ng attending physician na si Dr. Lawrence Domingo.

Dinala ang labi ng biktima sa Our Lady of Loreto Funeral Services para sa kaukulang autopsy.

Habang sinusulat ang balitang ito ay patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa krimen para alamin kung sinu-sino ang nasa likod ng pagpatay sa biktima at kung ano tunay na tunay motibo ng mga ito. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nabatid na tumanggi munang magbigay ng pahayag sa ngayon ang pamilya ni OG Kaybee. 

Jake tinupad ang pangako sa delivery rider na tinamaan ng ligaw na bala: Nandito lang ako para sa ‘yo, Ely

Gloc-9 mas piniling maging rapper kesa ipagpatuloy ang buhay bilang nurse

Kumpirmado: Rihanna buntis na sa panganay nila ng dyowang rapper na si A$AP Rocky

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending