Pinoy rappers Alisson Shore, Waiian ‘eeksena’ sa Basketball World Cup, may collab kasama ang ilang int’l artists | Bandera

Pinoy rappers Alisson Shore, Waiian ‘eeksena’ sa Basketball World Cup, may collab kasama ang ilang int’l artists

Pauline del Rosario - April 27, 2023 - 05:04 PM

Pinoy rappers Alisson Shore, Waiian ‘eeksena’ sa FIBA Basketball World Cup, may collab kasama ang ilang int’l artists

BIBIDA ang Pinoy talents sa inaabangang Basketball World Cup 2023 sa Agosto!

At ang makakasama nila sa isang collaborative music project ay ang Japanese hip-hop acts na sina Rude-α at ¥uk-B, pati na rin ang Indonesian singer-songwriter na si Tanayu.

Ang music collab ay pinamagatang “Our New Songlines 2023,” isang multidisciplinary effort na pinagsasama-sama ang mga music artist mula sa iba’t-ibang rehiyon ng Asya upang makabuo ng bagong musika na magsisilbing inspirasyon sa maraming tao.

Ang limang music artists ay nakatakdang magtanghal sa Music Town Oto-Ichiba sa Koza, Japan sa darating na August 26.

Ito ay bilang parte ng sideshow series ng nabanggit na event na magaganap sa Manila (Philippines), Jakarta (Indonesia), at Koza (Japan).

Bukod pa sa pagtatanghal, abala rin ang mga nabanggit na music artists sa binubuong bagong kanta na angkop din sa tema ng Songlines na kung saan ay dedicated naman ito sa mga katutubong Aboriginal people mula Australia.

“These five artists will create and present their works with the keywords of ‘change’ in a new era, ‘hope’ for tomorrow, and ‘mutual understanding’ in a land of different cultures and values,” sey sa inilabas na pahayag.

Dagdag pa, “In August, Koza, Manila, and Jakarta will host the Basketball World Cup. The enthusiasm of the three cities through sports will be converted into the form of music and transmitted to the world from Music Town Oto-Ichiba.”

Related Chika:

John Arcilla inialay ang ‘Venice’ best actor trophy sa mga pumanaw na mahal sa buhay

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Shooting ng ‘Voltes V: Legacy’ sisimulan na; Direk Mark ipinasilip ang set ng Camp Big Falcon

Bagong collab ng Ben&Ben at SB19 matindi ang ipinaglalaban: Huwag n’yong tapakan ang katarungan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending