Shooting ng ‘Voltes V: Legacy’ sisimulan na; Direk Mark ipinasilip ang set ng Camp Big Falcon
MAGSISIMULA na ang shooting ng inaabangang live action adaptation ng anime series na “Voltes V: Legacy” ng GMA 7.
Ito ang excited na ibinalita ni Mark Reyes sa mga Kapuso viewers all over the universe sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.
Matapos nga ang ilang taong paghahanda, sisimulan na ng production sa pangunguna nga ni Direk Mark ang pagpapalipad kay Voltes V sa Pilipinas.
Nag-post ang Kapuso director sa IG ng kanyang litrato na kuha sa binuo nilang set kung saan matatagpuan ang iconic na Camp Big Falcon.
“Production will start soon,” ang sabi pa ni Direk Mark sa kanyang caption.
Dahil dito, mas na-excite pa ang mga fans ng Japanese anime series na talagang nag-aabang na sa pagpapalabas ng “Voltes V: Legacy”. Comment ng isang follower ni Direk Mark sa IG, “Thank you for the update, Direk Mark! We are rooting for you for the biggest television history!”
May nagsabi namang netizen na sana’y huwag silang mabigo sa Pinoy version ng “Voltes V” na gagawin ng GMA, “Goodluck Direk. Aasahan namin na pang world class talaga ang version ng Philippines. Wag nyo kaming bibiguin.”
Ang mga napiling Kapuso stars na bubuo sa Voltes V team ay sina Miguel Tanfelix bilang Steve Armstrong, Ysabel Ortega bilang Jamie Robinson, Radson Flores bilang Mark Gordon, Matt Lozano bilang Big Bert Armstrong, at Raphael Landicho bilang Lil Jon Armstrong.
Sina Martin Del Rosario at Liezel Lopez naman ang gaganap bilang mga kontrabida na sina Prince Zardoz at Zandra.
Kasama rin sa cast ng “Voltes V: Legacy” sina Epy Quizon bilang Zuhl, Carlo Gonzalez bilang Draco, Neil Ryan Sese bilang Dr. Hook, at Gabby Eigenmann bilang Commander Robinson.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.