Sanhi ng pagkamatay ni K-Pop singer Park Bo Ram natuklasan na

Sanhi ng pagkamatay ni K-Pop singer Park Bo Ram natuklasan na

Pauline del Rosario - May 24, 2024 - 06:17 PM

Sanhi ng pagkamatay ni K-Pop singer Park Bo Ram natuklasan na

PHOTO: Instagram/@ramramram2

MAKALIPAS ang mahigit isang buwan, lumabas na ang resulta sa isinagawang autopsy sa mga labi ng yumaong South Korean singer na si Park Bo Ram.

Ang dahilan ng pagpanaw ng singer ay “acute alcohol poisoning.” 

Ayon sa police report na ibinalita ng Korean news outlet na Allkpop, nakitaan si Bo Ram ng ilang pre-existing conditions katulad ng fatty liver disease at liver lesions.

Nabanggit din sa autopsy result ng National Forensic Service na wala na silang nakitang iba pang posibleng dahilan ng pagkamatay ng K-Pop idol.

Kung matatandaan noong nakaraang buwan, ikinagulat ng maraming fans ang nangyari kay Bo Ram kung saan natagpuan siyang walang malay sa bahay ng isang kaibigan sa Seoul.

Baka Bet Mo: Pops takot na takot nang isugod sa ospital ang anak: We worried, we cried and we prayed a lot!

Kwento ng mga awtoridad, nakipag-inuman ang singer kasama ang dalawa niyang kaibigang babae bago siya pumunta sa restroom ng bandang 9:55 p.m.

Napansin ng kanyang mga kasamahan na matagal bumalik si Bo Ram kaya naisipan nila itong silipin at doon na nila nakita ang singer na nakayuko sa lababo na walang malay.

Nagsagawa sila ng CPR habang inaantay ang emergency responders bago isugod sa Hanyang University Guri Hospital kung saan siya idineklarang patay ng bandang 11:17 p.m.

Noong April 12, kinumpirma ng talent agency ng mang-aawit na XANADU Entertainment ang nakakalungkot na balita at sinabing: “Our hearts are deeply troubled as we deliver this sudden news to her fans. A wake and funeral will be scheduled after a discussion with the singer’s family.”

Ginanap ang wake ng singer noong April 17 sa Asan Medical Center at ang funeral procession ay dinaluhan ng kanyang pamilya at mga kaibigan, pati na rin ng ilang kapwa-celebrities.

Ang Korean star ay unang lumabas sa audition show na “Superstar K2” ng television music channel na Mnet.

Noong 2014 naman ang official debut niya kasabay ng pag-release ng hit song niya na “Beautiful.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nasa kalagitnaan sana siya ngayon ng kanyang paghahanda para sa isang comeback bilang pagdiriwang ng kanyang 10th anniversary mula nang mag-debut.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending