Korean singer Park Bo Ram pumanaw na sa edad 30
MARAMING fans ang nagluluksa ngayon sa pagpanaw ng sikat na Korean singer na si Park Bo Ram.
Siya ay nasa edad 30.
Ang malungkot na balita ay kinumpirma mismo ng talent agency ng mang-aawit na XANADU Entertainment ngayong araw, April 12, base sa report ng Korean outlet na Soompi.
Baka Bet Mo: 2 member ng BlackPink type jowain ni Enchong; Erich patay na patay kina Park Bo Gum at Hyun Bin
Ayon sa ahensya, noong April 11 sumakabilang-buhay si Bo Ram at kasalukuyang iniimbestigahan ang sanhi ng insidente.
“It’s true that Park Bo Ram died on April 11,” saand ng XANADU.
Ani pa, “The cause of death is currently being investigated by the police.”
Ang Korean star ay unang lumabas sa audition show na “Superstar K2” ng television music channel na Mnet.
Noong 2014 naman ang official debut niya kasabay ng pag-release ng hit song niya na “Beautiful.”
Nasa kalagitnaan sana siya ngayon ng kanyang paghahanda para sa isang comeback bilang pagdiriwang ng kanyang 10th anniversary mula nang mag-debut.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.