2 member ng BlackPink type jowain ni Enchong; Erich patay na patay kina Park Bo Gum at Hyun Bin | Bandera

2 member ng BlackPink type jowain ni Enchong; Erich patay na patay kina Park Bo Gum at Hyun Bin

Reggee Bonoan |March 22,2021
facebook
share this

2 member ng BlackPink type jowain ni Enchong; Erich patay na patay kina Park Bo Gum at Hyun Bin

Reggee Bonoan - March 22, 2021 - 02:19 PM

AMINADO sina Enchong Dee at Erich Gonzales na sobrang mahal nila ang isa’t isa pero wala itong malisya.

Very vocal ang aktor sa mga qualities na ina-admire niya sa aktres — sobrang gusto niya ang mukha nito, maganda ang kutis, sobrang bait at marunong sa kusina.

Minsan ay nagba-blush si Erich sa mga papuri sa kanya ng aktor kaya nasasabihan niya ito ng, “Bolero ka, pati ba naman ako?”

Sa part 2 ng “Jojowain o Totropahin” challenge ng dalawa sa kanilang EnRich Originals YouTube channel ay ikinumpara ng aktor ang aktres kina Lisa at Jennie ng BlackPink.

Jojowain ang sagot ng binata sa dalawang Korean star, “Jojowain, ano ‘yan uno-dos ko in no particular order si Jenny (Blackpink) at Lisa.  Tapos I found out sa docu nila na hindi pala siya talaga Koreana, but Thai.

“She studied Korean language, ang galing niyang sumayaw (super lambot walang buto si ate gurl sabi ni Erich), ang galing mag-rap, sobrang sexy.  Parang ikaw (Erich) pareho kayo ng figure, pareho kayo ng ganda.”

Sinalag ito ni Erich, “Wag mo ako ikukumpara sa kanila maraming mamba-bash sa akin.”

Sagot kaagad ni Enchong, “For me in my eyes, you’re the most beautiful, 2nd and 3rd lang sina Jennie at Lisa.”

Hindi man kagalingang kumanta at sumayaw si Erich ay mahusay naman siyang umarte para kay Enchong.

Type namang jowain ng aktres ang leading man ni Song Hye Kyo na si Park Bo Gum sa K-Drama series na “Encounter” na ipinalabas noong 2018.

“Hmmm, jowa Park Bo Gum (sabay kilig at hawak sa magkabilang pisngi),” sagot ng dalaga.

Tinanong ng aktor kung ano ang paborito niyang drama series na ginawa ni Park Bo Gum, “Itong huli, Record of Youth kasi kapag umiiyak siya, naiiyak din ako. So Park Bo Gum, salanghae (sabay muwestra ng heart in Korean). Kayo guys jojowain n’yo ba si Park Bo Gum, yes!”

At nabuking na crush na crush pala ni Enchong noon si Kim Chiu at naikuwento niya ito nu’ng tanungin siya ni Erich kung jojowain o totropahin ng aktor ang girlfriend ni Xian Lim.

“Siguro jojowain kasi crush ko si Kim noong una, pero siyempre ngayon tropa ko na siya. Pero nu’ng una alam mo naman ako mahilig sa mga pisngi (panahon ng show na My Girl). Nu’ng time na ‘yun talagang ano (gustong panggigilan ang pisngi). Gusto kong quality ni Kim energy at happy, ganu’n siya di ba?” kuwento ng binata.

Pinapanood din niya si Kim sa “It’s Showtime”, “Actually kapag napapanood ko siya sa Showtime, nabibilib ako sa kanya kasi nakakasabay siya sa lahat ng energy ng mga kasama niya which is good.  I’m glad that she’s still have that character energy tapos nahahawa niya ‘yung ibang tao.”

Tulad ni Park Bo Gum ay kinilig at napahiyaw si Erich nang banggitin ni Enchong ang pangalang Hyun Bin ng “Crash Landing On You” at jojowain agad ang sagot nito.

Sino ba ang mas gusto ng dalaga, si Hyun Bin o si Park Bo Gum? “Hindi mo puwedeng i-compare kasi magkaiba sila. Si Hyun Bin mature, si Park Bo Gum (sabay pop ng dalaga) parang cuticles (baby boy) ganu’n,” katwiran nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maraming celebrities pa ang gustong jowain at tropahin nina Enchong at Erich kaya alamin n’yo na lang sa kanilang YT channel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending