Pops takot na takot nang isugod sa ospital ang anak: We worried, we cried and we prayed a lot!
INATAKE ng matinding takot at tensiyon ang pamilya ni Pops Fernandez nang isugod sa ospital ang kanyang anak ni Martin Nievera na si Ram.
Ibinahagi ng original Concert Queen sa pamamagitan ng social media ang health condition ni Ram matapos nga itong ma-confine last week sa ospital na talagang ikinaranta raw nilang lahat.
“Something unexpected happened to Ram last week. We had a scare. He was brought to the hospital and tests were done. We worried, we cried and we prayed… a lot!” ang unang post ni Pops sa kanyang Instagram page.
“I am posting ’cause Ram is recovering very well. We thank our family and friends who have prayed for Ram, and are continuously praying for him. We are so grateful and relieved,” ang kasunod niyang mensahe para sa lahat ng mga nagtatanong at nag-aalala sa kundisyon ng anak.
Kasunod nito, sinabi ng singer-actress at producer na muli nilang napatunayan sa pamilya kung gaano kahalaga ang pag-aalaga sa ating kalusugan at ang laging pagdarasal para sa kaligtasan ng lahat.
“It is true, Health is wealth. And family, no matter what our situation is, is important, especially during times like these. Prayers are powerful. God is good,” sabi pa ni Pipay.
Samantala, nagbigay uli ng update si Pops tungkol sa kundisyon ng kanyang anak at sinabing na-discharge na si Ram sa ospital. Nagpasalamat din siya sa lahat ng doktor at nurse na nag-alaga sa binata.
Ilang celebrity friends nina Martin at Pops tulad nina Karen Davila at Ogie Alcasid ang nagbigay ng inspiring message kay Ram kasabay ng pangakong patuloy nilang ipagdarasal ang binata.
Bukod kay Ram, may isa pang anak sina Martin at Pops, ang musikero ring si Robin Nievera. Naghiwalay ang tinaguriang Concert King and Queen noong 1996 ngunit taong 2000 lang napawalang-bisa ang kanilang kasal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.