Kween Yasmin nakipag-break sa BF: Gusto niya ako gagastos sa date namin
NAKAKALOKA pala ang mga naging karanasan ng social media star at influencer na si Kween Yasmin sa pakikipagrelasyon!
Knows n’yo ba na ilang beses na ring nabigo sa larangan ng pag-ibig si Kween Yasmin at in fairness, marami na rin naman daw siyang natutunan sa kanyang failed relationships.
Sa nakakatuwang interview ng TV host-content creator na si Luis Manzano na napapanood sa YouTube channel nito, maraming rebelasyon ang internet sensation about her lovelife.
Kinumusta ni Luis ang lovelife ni Kween Yasmin at dito na nga nag-open up ang socmed star tungkol sa mga nakarelasyon niya noon.
Baka Bet Mo: Kuya Kim binanatan ng bashers dahil kay Vhong Navarro, tinawag na ‘plastic’
Meron daw siyang naging dyowa na security guard pero nakipaghiwalay daw siya rito nang mabuking niya na may pamilya na pala ang sekyu.
After nito, nakatagpo ng bagong guy si Kween Yasmin at na-in love nga siya rito nang bonggang-bongga pero hindi rin daw nagtagal at nag-break din sila.
View this post on Instagram
Bukod dito, may nakakaloka rin siyang experience sa isa pa niyang ex-boyfriend na isa ring influencer tulad niya.
Baka Bet Mo: Kalurks: James Reid biglang huminto sa pag-aaral nang malamang binebenta ng schoolmates ang litrato niya
Pagbabahagi ng content creator, “Nakikipag-date po siya tapos kami na po nu’n. Tapos sabi po niya na ako raw gagastos ng transpo, pati pagkain. Sabi ko, ay ‘wag na.
“Tapos, pinutol ko na po ‘yung ugnayan po na ‘yun, nakipag-break na po ako,” lahad ni Kween.
Pero after daw niyang makipag-break sa naturang guy ay kinulit-kulit pa rin siya nito at nais makipagbalikan.
“Pinutol ko na po ‘yung ugnayan pero nangulit pa rin po siya,” aniya pa. Nanindigan daw siya sa desisyon niyang kalimutan na ang naturang lalaki.
Sa ngayon, mas gusto munang mag-focus ni Kween Yasmin sa kanyang career at personal life.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.