Bea ayaw nang magdyowa ng showbiz, pero sinagot si Dominic

Bea ayaw nang magdyowa ng taga-showbiz, pero bakit sinagot si Dominic?

Ervin Santiago |January 14,2024
facebook
share this

Bea ayaw nang magdyowa ng taga-showbiz, pero bakit sinagot si Dominic?

Ervin Santiago - January 14, 2024 - 08:12 AM

Bea ayaw nang magdyowa ng taga-showbiz, pero bakit sinagot si Dominic?

Bea Alonzo at Dominic Roque

DAHIL ilang beses nang nabigo sa pag-ibig mula sa pakikipagrelasyon sa mga taga-showbiz, ayaw na ni Bea Alonzo na magkadyowa ng artista.

Ipinangako raw niya sa sarili na hindi na kailanman magdyodyowa ng showbiz guy dahil mukhang wala raw talagang suwerte sa mga ito.

Yan ang inamin ng Kapuso actress sa pakikipagchikahan niya sa TV host-comedian na si Luis Manzano na mapapanood sa latest vlog entry nito sa  YouTube.

Naniniwala ang aktres na maraming red flags ang mga lalaking nasa showbiz pero madalas makalusot ang mga ito dahil pwede nilang idahilan ang kanilang mga trabaho.

Baka Bet Mo: Bea kinontra ang isyung magkaiba ang level nila sa buhay ni Dominic: ‘Never akong tumingin sa estado ng isang lalaki kahit kailan’

Ito’y base na rin sa mga personal na karanasan niya sa pakikipagrelasyon dahil halos lahat nga ng naging boyfriend niya ay mga artista.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


Sa vlog ni Luis, sumabak ang dalaga sa lie-detector test at isa nga sa mga tanong sa kanya ay, “Masasabi mo ba na kadalasan, ang mga kalalakihan sa showbiz ay maraming red flags?”

Natigilan ng ilang segundo si Bea bago sumagot, “Parang halos lahat ng naging dyowa ko artista, e. Pero oo, oo!”

Baka Bet Mo: Sandara Park mas gustong maging single kesa magdyowa, may galit nga ba sa mga lalaki?

“Truth” ang naging resulta sa lie-detector test. Pero nagpaliwanag ang Kapuso actress at fiancée ni Dominic Roque, sa naging sagot niya kay Luis.

“Let me be clear. Ngayon, maraming lalaki in general, kahit na hindi sa showbiz industry, ang maraming red flags.

“Pero sa tingin ko lang sa showbiz, mas madaling nakakalusot. Kasi, halimbawa may pelikula magho-holding hands, mag-aano, tapos sasabihin, ‘Ah, it’s just for the movie.’ It’s so convenient,” esplika ni Bea.

Kaya naman after her failed relationships, ayaw na raw niyang magkadyowa ng taga-showbiz, “Kaya sabi ko after nu’n, ‘Ayoko ng artista na dyowa.’

“Kaya unang tanong ko kay Dom (Dominic) nu’ng magdi-date pa lang kami, ‘Nag-aartista ka pa ba? Ayoko ng artista.’ Buti hindi na siya nag-aartista,” nakatawang sabi pa ni Bea.

Matatandaang nag-propose si Dominic kay Bea noong July, 2023 makalipas anh mahigit dalawang taon nilang relasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ilan sa mga naging boyfriend ni Bea sa showbiz ay ang yumaong aktor na si Mico Palanca, Zanjoe Marudo, at Gerald Anderson.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending