Cherry Pie move on na sa breakup nila ni Edu: We’ll always love each other
SA unang pagkakataon, diretsahan nang inamin ng award-winning actress na si Cherry Pie Picache na totoong hiwalay na sila ni Edu Manzano.
Pero agad humirit ang Kapamilya star na kahit wala siyang dyowa ngayon ay hindi magiging malamig ang pagdiriwang niya ng Pasko at Bagong Taon.
Matagal-tagal na rin daw silang nag-break ni Edu pero aniya, nananatili pa rin ang kanilang pagkakaibigan dahil maayos naman daw silang naghiwalay.
View this post on Instagram
“We’re very good friends, he’s a very good person, very good friend and you know, we will always love each other. So, ‘yun,” ang siniguro ni Ms. Pie nang makachikahan namin at ng ilan pang miyembro ng press kahapon sa grand mediacon ng pelikulang “Firefly.”
Ang “Firefly” ay isa sa 10 entry sa Metro Manila Film Festival 2023 mula sa GMA Pictures at GMA Public Affairs kung saan isa nga si Cherry Pie sa cast.
Ayaw nang magbigay ng iba pang detalye ang premyadong aktres tungkol sa paghihiwalay nila ni Edu bast ang mahalaga raw ay napanatili nila ng aktor ang kanilang friendship.
Pero inamin niya na hindi rin naging madali ang kanyang pagmu-move on sa breakup nila ni Edu kaya naman nagpapasalamat siya na nalampasan di niya ang naturang yugto ng kanyang buhay.
Baka Bet Mo: Alessandra hindi nahirapang gumanap na nanay sa MMFF entry na ‘Firefly’, humugot sa mga alagang bird
Kumusta naman ang magiging selebrasyon ng kanyang Pasko? “Siguro ano, ‘di ba, sa edad kong ito ngayon, I cannot depend my happiness anymore on somebody else. Besides, dapat din buo ako or whatever or kumpleto ako kung magmamamahal ako ulit.”
Bukas pa rin naman daw ang kanyang puso sa bagong pag-ibig kahit pa ilang beses na rin siyang nabigo pagdating sa pakikipagrelasyon.
“Bakit hindi? Pero habang wala, ‘di masaya ka sa sarili mo, lalo na after the pandemic, ‘di ba, ‘yung self-love, hindi mo na pwedeng iasa ‘yung kaligayahan mo or ‘yung kabuluhan mo bilang tao sa ibang tao,” aniya.
View this post on Instagram
Maluha-luha naman si Ms. Pie nang mahingan ng reaksyon sa biglaang pagpanaw ng veteran actor na si Ronaldo Valdez na ilang beses na rin niyang nakatrabaho.
“Actually, hindi pa ako nagpo-post. If there’s any senior actor na medyo, you know, I can say that you know, I got kinda close with, isa si tito Ron du’n,” ani Cherry Pie.
Baka Bet Mo: Edu, Cherry Pie naging magdyowa na 20 years ago: Tahimik lang kami noon, it was almost a year
Dugtong pa niya, hindi pa siya handang mag-post ng mensahe para sa yumaong aktor dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang patay na ang kanyang kaibigan.
Samantala, nanawagan naman ang aktres sa publiko na bumalik na sa mga sinehan at tangkilikin ang 10 pelikulang kalahok sa MMFF 2023, at unahin sana ng mga manonood ang “Firefly.”
“Tulungan n’yo po kami. So, first day pa lang, second day pa lang, panoorin ninyo ang Firefly,” pakiusap ng aktres.
Masaya rin si Cherry Pie na muli siyang nakagawa ng pelikula under GMA Pictures after more than a decade, “Hindi ito ang una ko with GMA Films pero nagpapasalamat ako, I feel really grateful na napasama ako sa pelikula kasi for one nga, ang ganda-ganda ng script.”
Aminado siyang nanibago siya working with GMA again dahil wala raw siyang masyadong kilala pero sobrang warm and welcoming daw ang buong produksyon.
Showing na sa December 25 ang “Firefly” mula sa direksyon ni Zig Dulay. Bida rin dito sina Alessandra de Rossi, Euwenn Mikaell, Ysabel Ortega, Miguel Tanfelix, Max Collins at marami pang iba with the special participation of Dingdong Dantes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.