Kilalang female celeb nabuntis ng non-showbiz guy: Hangga’t kaya hindi raw siya aamin
KUNG hindi nagkakamali ng bilang ang aming source ay dalawa o tatlong buwan nang preggy ang kilalang personalidad na hanggang ngayon ay hindi pa nagpapakita sa publiko dahil hindi niya alam kung ano na ang gagawin.
Kilala ang personalidad na ito na sobrang vocal sa kanyang saloobin na kadalasan naman ay sablay. Mukhang hindi rin siya seryoso sa mga pinagsasasabi niya — mema lang para in siya kung ano ang mainit na issue.
Ang tsika ay non-showbiz ang nakabuntis kay female celebrity. May nangyari raw sa kanila sa mga out of town na lakad nila.
Ayon naman sa common friend namin, “Basta sabi niya _____ (kilalang personalidad), hangga’t kaya hindi siya aamin. Pero matagal siyang mawawala.”
Hirit namin, ngayon nga lang ay hindi na nagpaparamdam, eh. Sa madaling salita, bago magtapos ang 2021 o early 2022 na siya magpapakita?
“Pero active siya sa social media niya, abangan na lang kung ano mga post niya,” sagot ng kausap namin.
Sinilip namin ang social media ng kilalang personalidad pero wala pa siyang bagong post ngayong araw.
* * *
Pagkatapos mapanood at humakot ng awards sa buong mundo ay uuwi na sa Pilipinas ang critically acclaimed historical movie na “Quezon’s Game” para mapanood ng mga Pilipino sa loob at labas ng bansa dahil magiging available na ito sa iWantTFC streaming service.
Simula sa Enero 27, kasabay ng International Holocaust Remembrance Day ay mapapanood ng standard at premium subscribers ang “Quezon’s Game,” na tungkol sa pagsagip ni Pres. Manuel L. Quezon sa 1,300 Jewish refugees mula sa Holocaust na nagsimula noong 1938.
Mapapanood din ng lahat ng iWantTFC users ang totoong kwento ng ilang Jewish survivors na tumira sa Pilipinas o tinatawag na Manilaners sa docu series na The Last Manilaners dahil libre rin itong mapapanood sa Enero 28.
Humakot ng parangal ang “Quezon’s Game” sa iba’t ibang bahagi ng mundo simula nang ipinalabas ito noong 2018. Kabilang sa mga award nito ang 12 awards mula sa Cinema World Fest Awards, anim na awards mula sa IndieFEST Film Awards, at apat na awards mula sa WorldFest-Houston International Film & Video Festival, kabilang na ang Remi Award for Best Foreign Picture.
Inulan din ng papuri ang pelikula dahil sa mahusay nitong pagkukuwento.
Nagandahan sa finale ng “Quezon’s Game” si Philippine Daily Inquirer entertainment editor Rito P. Asilo, aniya, “One of the most indelible and touching finales ever staged this film season.”
Sabi naman ni Franz Sorilla IV ng Asia Tatler sa kanyang review, naging maayos ang daloy ng pelikula dahil sa maganda nitong pagtatahi ng mga kwento tungkol sa kasaysayan.
Ang “Quezon’s Game” ay mula sa direksyon ni Matthew Rosen at pinagbibidahan naman ni Raymond Bagatsing.
Mapapanood ito ng standard at premium subscribers worldwide sa Enero 27 sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com. Magiging available naman nang libre sa buong mundo ang “The Last Manilaners” sa Enero 28.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.